Ligaw na Dagitab

na ang nadadagitab ng blog na ito simula noong naglagay ako ng hit counter dito.

mga kahanay

[midnight run] ni rico
[taglish] ni deyeypee
[he said, she said] ni porkysweety
[meanness] ni me-an
[crazy/beautiful/crazy] ni jik
[(mis)representations] ni aaron
[especias] ni manuel
[here is a star studded sky ] ni kramer
[langaw sa isang basong gatas] ni kapi
[pikitbulag] ni pao
[bloodsugar] ni pj
[adobong atay] ni nikko t.
[moons and eggs] ni mitzie
[born in '81]
ni egay
[connect the dots]
ni naya
[si yol nga!] ni yol
[kreyzblue!] ni edz
[dream-weaving] ni den
[howls and moonlight] ni andrea
[ako po si ardi, bow!!] ni ardi
[dreaming of shutters] ni jilly
[anchor-hold] ni jeanie
[lazcano garage] ni igz
[diakamaawatan] ni capi
[blurbs] ni weng
[kittykatz] ni kathy
[berse(rk)] ni kris
[kittycatbaby] ni cindy
[kurimaw] ni spin
[soulfly] ni makoy
[pebbles and sex] ni nikko v.
[abo sa dila] ni mikael
[beyond the sunrise] ni maita
[aldine] ni aldine
[yari] ni aya
[pulotpukyutan] ni glen
[
industrial firefly] ni carl
[
mens in absentia] ni javie
[
matrioshka] ni jeline
[haraya] ni jun
[forbidden fruit salad ] ni sigh
[wexistence] ni wex
[glendaville] ni glenda
[pulutan] ni pael
[ang tula ng buhay ni kristina] ni tin
[one fell swoop] ni leo kay
[palaboy] ni nunuy
[kalawakan sa silid] ni anj


mga sympathizer

[
matanglawin]
[philippine collegian]
[plaridel papers]
[friends choir]
[ateneo de manila]
[philippine science hs]
[iateneo]
[bulatlat]
[pisay '99]
[heights]
[inq7]
[newsbreak]
[bayan muna]
[edward said]
[pinoywriters]
[pitas.com]

 

LIGAW NA DAGITAB
(this time, no frills na 'to, tsong.)

 

Si Jonar?
Laging napapaaway sa mga mindless.
Adik sa tatlong "T": tugtog, tulog, tik*l.
Mahilig gumala.
Makatang hindi sumusulat ng "tula."
Pariwarang grupmeyt.
Minsang nakipaghamon ng suntukan, pero nahulog sa kanal.
MIS major na hindi marunong mag-program.
Mahilig sa mga bagay na bilog at tumatalbog.
Tapat na kainuman.
Suki ng kapihan.
Lumalaban sa kamangmangan.
Walang tulugan.
Kailangan pa bang i-memorize 'yan?
Basahin ang Dagitab Archives
Name

URL or Email

Messages(smilies)

The way everything ends

For luck all you need is a half-pack of Marlboro Lights, a lighter, maybe one or two Okamotos tucked away safely in your wallet. The rest would depend on fate, or as one would put it, on opportune confluence.

Life used to be a coffeeshop with either reggae or Jobim playing on the stereo. Wi-fi access. Good talk with a friend or two. Oh, yes, a cig, preferably non-menthol.

Time was when you could talk of love as it should be, without complications nor pride, constant as the lapping of the waves on the shore (although a bit of spray on the rocks would be nice). Now I can't bear to talk of it without dragging on a stick of Marlboro Light (gold) and a beer.

It was supposed to be what I was looking for. Instead, it left me with more questions than I had when it all began. I don't have anything more to write, but here I am blabbing along because I do have a lot to say and none of the necessary courage to say it.

Shall I wait here? Shall I go ahead and let the waves wash me away? Shall the ocean be the same once I've gone adrift? Will I have to learn dead reckoning all over again? Will there be terra firma at the end of the world?

"Where have all the Marlboro Lights gone?" I asked myself, realizing that what Mrs. Valera gave me were Winstons (of the local variety) when the smell reached up into my brain and knocked the sense out of me. Nonoy's wi-fi card wouldn't work, so I had to type away, as the case always was, on the cafe's public PC.

No one seems to be queuing up, but I guess I'll have to stop for the meantime. Tonight I will write the saddest lines, but before I do that, the pen will have to go. It can wait. Writing can wait, until I can speak sadly and bravely and honestly again.

Saturday, October 8, 2005
04:07 p.m. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
"Magulong" pulitika

Nangyari talaga ito. Peksman. Nakasakay ako sa dyip na biyaheng Lagro-Cubao at dumaan kami sa QC Circle. Sa bungad pa lang, nakita ko na ang mga poster -- "Trabaho, hindi gulo!" "No to Junta! Yes to Peace!". Ay, mali, hindi pala poster. Mga trapal pala -- 'yung mga tipong tig-dadalawang-libo yata, o mas mahal pa. Nagkalat sila sa Circle. Hindi ko na natatandaan kung sinong grupo ang nagpagawa ng mga iyon, pero syurbol na tagyaman ang mga supporter nila. Trapal ba naman, e.

Isang poster ang nakita ko sa tapat ng DAR: "MAGULONG PULITIKA, UGAT NG PAGBABA NG PISO AT PAGTAAS NG LANGIS!" Tapos, isa pa, at isa pa.

Hindi ko alam ang gagawin ko kanina. Gusto kong tumawa nang malakas, pero nasa loob ako ng dyip. Gusto ko ring magwala at ihayag sa daigdig na mali ang mga buwakananginang gumawa ng buwakananginang statement na iyon, pero iyon nga, nasa dyip nga ako.

Kaya, heto, pa-blog-blog na lang ako.

Aaminin ko, oo, magulo nga ang pulitika dito sa Pilipinas. Kahit pa bago pumutok ang isyung "Hello Garci", magulo na talaga. Siguro nga, magulo ang Pilipinas, kaya magulo rin ang pulitika. O bise-bersa.

Siguro nga, tama ang paratang ng grupong iyon na ugat ng pagbaba ng piso ang "magulong" pulitika. Teka, ano nga ba ang "magulo"? Iyon ba ang uri ng pulitika na kung saan malaya ang lahat na magpahayag ng saloobin, o ito ba ang "magulong" dulot ng sistemang multiparty (read: isang partido kada kandidato)? Ito ba ang pulitikang elite-dominated, na walang totoong oposisyon, na ang oposisyon at ang administrasyon ay magkakapitbahay sa Ayala Alabang o White Plains?

Ewan ko. Siguro, para sa mga nagpagawa ng mga nakita ko sa Circle, 'yung una. 'Yung "magulo" na sa bawat isyu, may magra-rally agad. Para siguro sa kanila, 'yung pagiging elite-dominated ng pulitika, hindi anomalya. Status quo na, 'ika nga. Brute fact, mehn.

(Pero, in fairness, ang gaganda ng mga trapal nila. Ang sarap nenokin at gawing kurtina sa bintana, o sapin sa mesa.)

Nakakalungkot.

Pero mas nalungkot/natawa/nagalit ako sa ikalawang paratang: "MAGULONG PULITIKA, UGAT NG PAGTAAS NG LANGIS!"

Aakalain mong may sarili na tayong oil well na gumagana, na malakas ang voting power natin sa OPEC, na ang lahat ng mga refinery ng langis ay pag-aari ng mga Pilipino. Wow. Ang sarap talagang mangarap.

Aakalain mong may nagagawa nga ang pagrarally sa pasya ng Petron na itaas ang metro.

Aakalain mong regulated ng gobyerno ang mga kumpanya ng langis.

Kung tutuusin, noong regulated pa ang langis, hindi naman tumataas nang ganito ang presyo. Pero noong ipinasa ang Oil Deregulation Act noong panahon ni Tabako, aba, "things fell apart" na. Sunod-sunod ang pagtaas ng presyo at ng pamasahe (P1.50 noong grade 4 ako, tapos ngayon, ni yosi, hindi na ako makabili).

Mga aktibista ba ang may kasalanan kung bakit nagpapasya ang OPEC na taasan ang presyo ng krudo? Mga aktibista ba ang nag-uutos sa Shell, Caltex, at Petron na taasan pa lalo ang presyo ng diesel? Malabo yata, mehn. Kung may iisang may kasalanan sa pagtaas ng mga presyo, gobyerno na iyon. Bakit? Sila naman kasi ang nagpasyang huwag nang bantayan ang mga kumpanya ng langis, at sila ang nagpasyang patawan pa ng VAT ang gasolina, toll rate, etc. Sa pagkakaalam ko, hindi gawain ng aktibista 'yun.

Magulong pulitika? Oo, lalo na't ang nanggugulo ay ang mga nakaupo.

Martes, ika-12 ng Hulyo 2005
05:49 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Habang nagsisine sila, heto ako't nag-aabang ng alas-sais y medya

Bakit? Una, alas-nuwebe na ako nakarating sa opisina. Mahabang kuwento. Maaga ako gumising. Alas-sais yata. Sabay hinatid ni Ate Luz ang kapatid ko sa eskwela. Ni hindi man lang sinabing mag-aabang na siya hanggang lumabas ang mga bata. Ako naman, nag-abang hanggang alas-otso y medya.

Kahapon, nagreklamo sa akin ang bosing ko. Kesyo na-late ako. Sabi ko sa kanya, ten minutes lang ako na-late, at hindi ko kasalanan kung may tumirik na sasakyan sa U-turn slot sa tapat ng South Zuzuaregui at Commonwealth. Ngayon lang, napaisip ako: tatanggapin niya ba ang paliwanag na hindi agad umuwi ang kasama namin sa bahay, at halos maduwal na ako habang nagsesepilyo dahil dumumi sa loob ng bahay ang aso namin?

Sabi ni bosing, "Jonar, I've been hearing people making jokes about you." Expected na 'yun, oo; sanay na ako sa pagbibiro ng iba. 'Yun nga lang, sabi ni bosing, hindi na raw nakakatawa ang mga sinasabi nila tungkol sa akin.

"Tungkol saan?" tanong ko.
Sagot niya, "I'm not at liberty to discuss those. Better if you took it up with them."

Tapos ang kuwento. Or rather, naulit ang kuwento. Umalis ako sa buwakananginang call center na iyon para mawala na sa landas ko ang mga kupal na tao doon, maliban sa iilang nagtangkang makaunawa. Lumipat ako rito sa pag-aakalang mas ayos ang mga tao, mas open-minded. Hindi rin pala.

Ewan ko. Nadidismaya lang ako tuwing nakikita ko silang kumakain nang sabay sa conference room. Lalo akong nadidismaya tuwing lalabas sila at nagsisine habang mag-isa akong nag-aabang ng alas-sais y medya. Napaka-shiny nila. Napaka-happy. Hindi ko alam kung inggit ang nadadama ko, o 'yung pagkamulat na ganito lang talaga ako, laging hari ng sablay, laging binabantayan at binabaliwala nang sabay.

WHEW. PASENSYA NA kung masyadong madrama. Madrama naman kasi talaga, e. Hindi ninyo ako naiintindihan. Kung akala niyo'y gusto ko lagi ng pag-iisa, nagkakamali kayo.

Makapagyosi nga muna. Tutal, malapit na rin namang mag-alas-sais y medya, at wala si bosing. Makatakas na nga.

Huwebes, ika-16 ng Hunyo 2005
06:03 n.g. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Habang nagsisine ang mga ka-opisina ko, heto ako



Huwebes, ika-16 ng Hunyo 2005
06:03 n.g. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Bad gig, pink moon, night ride

The text message, roughly translated, read: “Humor me, whether you’re in love, out of love, loveless, or don’t give a crap about love. Flamingo moon tonight. Go out of your house and look at it.”

We were halfway through our set at a bar near my place. The sound system was not so good. Only one speaker was working. I had set my guitar pickup’s equalizer in such a way that the presence, treble, mid, and bass were all set to 1/4 thirty minutes before we started and was convinced it would still sound good even with just one speaker working. However, I left my guitar to have a cigarette outside. When I returned inside, our vocalist was practicing our riffs for the night, something our other vocalist never tolerated. It would kill the audience’s appetite, he said, and it would jinx the performance. The vocalist shrugged and gave the guitar to me.

The settings were all changed. The presence was set to high, treble low, mid medium, bass high. Even the mixer settings were changed. And we had already planned the microphone setup when we first got there. There would be a mike for me and the other guitarist, and the two vocalists would share the same mike. We had to do that as all of us would have at least a song each.

However, the mikes were in front of both vocalists which left me and the other guitarist mike-less. Each time I had a song to myself, the vocalist would stand up and lift the mike and put it in front of me, then return it to its “rightful place”. It was distracting, to say the least.

It was as if everything we had rehearsed were thrown out the window. Or rather, we had a very bad rehearsal right there, in that bar. Two middle-aged women jammed with us, both tipsy and out of tune, not to mention out of beat.

It was then that I received the message.

When it was the vocalist’s turn to play something slow (me and the other guitarist had the same groove), I went outside again and had a cigarette and looked at the sky. The moon was full, yes, but not pink. I would ask the one who sent the message the next day about it, and she would answer that it was indeed pink. I don’t know. It was yellow when I saw it.

The other guitarist had to work the night shift in a Makati call center; both vocalists had to go ahead too. I took a cab home. I only had a few hundred pesos left in my pocket, but I knew of a shortcut from Don Antonio to Fairview, one that passed through Pingkian and exited at Regalado Avenue. Obviously the cab driver knew Pingkian better than I did and almost ran his car into a wall. I told him to try the longer route instead, not wanting to get lost in that labyrinth anymore. When we were at Commonwealth, he told me that the Pingkian route had been closed to traffic. So much for wanting to save money on cab fare – I spent twice than I would have spent had I gone the longer route.

Turning left at Coronet, I looked out the window and through the leaves. There were only clouds. No pink moon. Just a bright spot in a dark, overcast sky.

Current mood: pensive
Current music: Dragostea Din Tei, O-Zone


Linggo, ika-29 ng Mayo 2005
02:26 a.m. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Hindi ko alam kung meron nga talagang nagbabasa nito, pero...

...PASENSYA na rin sa mga talagang nagbabasa, at sumusubaybay, at hindi lang nag-iiwan ng pangalan sa tagboard ko. Papatak-patak na lang ang mga entry ko nitong mga huling linggo.

Nasa mIRC ako kanina. May nagtatanong: kailan ang huling araw ng summer? May mga sumasagot: sa June 5. Sabi naman ng iba: apos na, umuulan na kasi. Ako naman, napaisip: natatapos nga ba? Kung natatapos nga ang tag-araw, paano ito nalalaman? Dahil ba may pasok na naman ang mga nag-aaral? E papaano naman ang mga nagtatrabaho na? Dahil ba umuulan na naman? E hindi naman tumila ang ulan; kahit noong kalagitnaan ng Abril, umuulan pa rin.

Hindi, hindi talaga matatapos ang tag-araw, ni tag-ulan. Dito sa Pilipinas, dalawang uri lang ang panahon: mainit at maulan, at kadalasa'y magkasabay.

NAPUTULAN kami ng kuryente noong nakaraang linggo. Nakabaon kasi sa bundok-bundok na resibo ang bill ng Meralco, kaya hindi ko nakita agad. Noong Miyerkules, tumawag sa akin si Tina: "Kuya, naputulan na tayo ng kuryente." Ako naman, "Humiram muna kayo kay Nonoy, bayaran na ninyo agad 'yan."

Bale, ayun, pumunta nga sila sa Meralco para magbayad. Alas-kuwatro ng hapon na yata iyon. Sabi sa kanila ng kahera, ikakabit ulit ang kuryente bago mag-alas-diyes ng gabi.

Pagdating ko sa bahay, wala na si Ate Inday; nakakandado ang bahay. Alas-otso noon, at hindi pa ikinakabit ang kuryente. Nag-abang muna ako sa tindahan. Isang San Mig Light. Alas-otso y medya. Wala. Isang PeeWee (Oo, buhay na naman ang paborito kong tsitsirya). Wala pa rin. Isang tawag kay Aaron, at kay Alex. Pagdating nila, kinuwento ko ang nangyari. Pareho ang reaksyon: "Buti nga sa iyo. Aanga-anga ka kasi." Basta, parang ganun. Isa pang San Mig Light. Wala pa rin ang Meralco.

Umalis na sina Alex. Kami na lang ni Aaron ang natira. Pumasok na ako sa bahay. Maulap ang langit. Akala ko, uulan, katulad ng nangyari noong nakaraang gabi. Wala, katulad ng Meralco. Umuwi si Aaron at natira akong nag-iisa.

Alas-onse y medya. Sa sala ako nanatili. Mahirap na't baka mapasukan. Sinamahan ako ni Bok ng Buhay Ko sa telepono, pero hindi kami gaanong nagtagal. Pinilit kong matulog, pero malamok talaga. Pagmulat ng mata, puro pantal ang nakita, sa Batibot, sa Batibot.

Mainit, makati, nakakaasar. Kung bakit kasi may mga taong sadyang magulong kausap.

Lunes, ika-16 ng Mayo 2005
10:02 n.g. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Mabilis lang 'to. Parang kagat lang ng langgam.

MULI, PASENSYA NA sa mga sumusubaybay sa blog ko. Mapapansin ninyong hindi na ako sumusulat ng tungkol sa pulitika. Hindi naman dahil sa naging manhid na ako o ano, pero talagang hindi na rin ako makasulat ng kahit ano. Kahit tuloy 'yung "significant other" ko, nagtatampo na rin dahil hindi ko na siya sinusulatan.

Pero bigla na lang bumalik ang rubdob ko kagabi, sa isang event sa Makati. Hinatak kasi ako ng mga kasama ko sa PP: ako, si Dave, si Andrea, si Ergoe, at si Ani, sa CD launch ng mga tula ng kung sino mang makata. Hindi sa nagmamayabang ako, pero hindi ako gaanong na-impress. Parang kumakanta lang ng videoke ang mga babaeng naka-tanktop. At napansin kong wala talagang pumunta roon para sa mga tula; pumunta sila para lang makita.

Sa gitna ng lahat ng iyon, nagawa kong sumulat muli ng tula. Salamat kina Dave, na nag-supply ng kritisismo; kay Andrea, na nagbigay ng moral support; kay Ani, na nagbigay ng katabi; at kay Ergoe, na nag-supply ng papel at bolpen. Medyo malayo ito sa kalidad (kung meron man) ng mga dati kong tula, pero tula pa rin ito:

TATLONG INUMAN

Viceroy KTV, Commonwealth

At ganito nga ang nangyari:
ako, walang pera. Si Roi,
meron. Si Cook, meron.
Sa akin ang San Miguel,
sa kanila ang ladies' drink.


Sangandaan, Kalookan

Alinsunod sa rulesandregulations
ng koordineytor ng imersyon,
nilunod namin, ako at si Kuya(kuyahan)
Kristian, ang aming mga sama
ng loob: ako, dahil sa problemang
puso(n); siya, dahil sa wala(lang),
(-ng-wala talaga).

At sino 'tong nakakandong sa'kin:
"Saan ka nag-aaral, Miss?"
"St. Paul. St. Polytechnic, Kalookan!"
Wala(lang), (-n'dyo).

Absinth Cafe, Makati

Kung gaano kamahal ang San Miguel dito,
ganoon din kamura ang kaluluwa ko.

Huwebes, ika-21 ng Abril 2005
07:32 n.g. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Linggo pala kahapon, 'no?

PAUNAWA: Babalik muna ako sa paggamit ng Filipino/Tagalog sa entry na ito. Kaya, Rex, pasensya na. Pero pramis, easy reading lang 'to.

Patay na ang Papa. Kahapon, matapos ang book launch ng PinoyPoets, alas-tres y medya ng madaling araw na ako nakauwi. Agad kong binuksan ang TV at tumutok sa CNN. Nakalagay: "Pope's death imminent". Ilang minuto pa ang lumipas. Dahil siguro sa amats ng magkahalong Coke, Emperador, at San Miguel, hindi ko na narinig ang sinasabi ng mga anchor. Pero nakadilat pa rin ang mga mata ko.

Matapos ang ilang minuto, biglang nagbago ang nakalagay sa bandang ibaba ng screen: "Vatican Radio reports that Pope has died." Tinext ko agad si Aaron. Sabi niya, "Tang'na ka naman, hindi ka na nga nagtetext kanina noong naghahanap ako ng gimik, at kung magtext ka, masamang balita naman."

So bale, ganun nga ang nangyari. Alas-kuwatro ko nalaman sa TV. Maya-maya, gumising si Mai-I. Dahil inaantok na ako, binigay ko muna sa kanya ang remote control. Paggising ko, hayun, medyo naninikip ang dibdib ko. Hangover lang ito, sabi ko sa sarili, sabay hilata ulit sa sofa. Gumising ako nang alas-nuwebe at sinabayan sina Mai-I at Tina mag-almusal. Karne norte yata at sunny-side-up yata ang ulam. (Pasensya na, makakalimutin na ako ngayon. May uban na nga ako, e.) Hindi kumakain si Mai-I ng pula ng itlog, kaya ako na lang ang kumain. Maya-maya, lalong nanikip ang dibdib ko. Pinilit kong tumayo pero ayaw, ayaw talaga ng mga binti ko, parang namamanhid. Tapos, dumilim ang lahat.

Ala-una y medya na nang nagising (naalimpungatan?) ako. Medyo nakagagalaw na rin ako, kaya dumiretso ako sa banyo at gumawa ng milagro. Tanong ko kay Tina, "Nasaan ang blood pressure meter natin?" Ibinaba niya mula sa aparador ni Tatay yung metro at tiningnan ang BP ko. Ayos naman daw, medyo mababa pa nga. Mga 99/75. Ang pulso naman, naglalaro sa 69 at 70. Kaya dumiretso ako sa doktor. Sabi naman ni Dok (na hindi ko naaalala ang pangalan pero kamukha ni Henry Omaga-Diaz), "Wala po kayong problema. Baka stress lang po 'yan."

Baka nga. Alam ko na ngang hikain ako, nagyoyosi pa. Alam ko na ngang umiinom ako ng antibiotics, umiinom pa. Alam ko na ngang kailangan nang operahan ang ngipin ko, kumakain pa ako ng matatamis. Alam ko na ngang kulang ako sa tulog, nagpupuyat pa ako.

Tama nga si Dok. Stress lang ito.

Lunes, ika-4 ng Abril 2005
12:57 n.t. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Linggo pala kahapon, 'no?

PAUNAWA: Babalik muna ako sa paggamit ng Filipino/Tagalog sa entry na ito. Kaya, Rex, pasensya na. Pero pramis, easy reading lang 'to.

Patay na ang Papa. Kahapon, matapos ang book launch ng PinoyPoets, alas-tres y medya ng madaling araw na ako nakauwi. Agad kong binuksan ang TV at tumutok sa CNN. Nakalagay: "Pope's death imminent". Ilang minuto pa ang lumipas. Dahil siguro sa amats ng magkahalong Coke, Emperador, at San Miguel, hindi ko na narinig ang sinasabi ng mga anchor. Pero nakadilat pa rin ang mga mata ko.

Matapos ang ilang minuto, biglang nagbago ang nakalagay sa bandang ibaba ng screen: "Vatican Radio reports that Pope has died." Tinext ko agad si Aaron. Sabi niya, "Tang'na ka naman, hindi ka na nga nagtetext kanina noong naghahanap ako ng gimik, at kung magtext ka, masamang balita naman."

So bale, ganun nga ang nangyari. Alas-kuwatro ko nalaman sa TV. Maya-maya, gumising si Mai-I. Dahil inaantok na ako, binigay ko muna sa kanya ang remote control. Paggising ko, hayun, medyo naninikip ang dibdib ko. Hangover lang ito, sabi ko sa sarili, sabay hilata ulit sa sofa. Gumising ako nang alas-nuwebe at sinabayan sina Mai-I at Tina mag-almusal. Karne norte yata at sunny-side-up yata ang ulam. (Pasensya na, makakalimutin na ako ngayon. May uban na nga ako, e.) Hindi kumakain si Mai-I ng pula ng itlog, kaya ako na lang ang kumain. Maya-maya, lalong nanikip ang dibdib ko. Pinilit kong tumayo pero ayaw, ayaw talaga ng mga binti ko, parang namamanhid. Tapos, dumilim ang lahat.

Ala-una y medya na nang nagising (naalimpungatan?) ako. Medyo nakagagalaw na rin ako, kaya dumiretso ako sa banyo at gumawa ng milagro. Tanong ko kay Tina, "Nasaan ang blood pressure meter natin?" Ibinaba niya mula sa aparador ni Tatay yung metro at tiningnan ang BP ko. Ayos naman daw, medyo mababa pa nga. Mga 99/75. Ang pulso naman, naglalaro sa 69 at 70. Kaya dumiretso ako sa doktor. Sabi naman ni Dok (na hindi ko naaalala ang pangalan pero kamukha ni Henry Omaga-Diaz), "Wala po kayong problema. Baka stress lang po 'yan."

Baka nga. Alam ko na ngang hikain ako, nagyoyosi pa. Alam ko na ngang umiinom ako ng antibiotics, umiinom pa. Alam ko na ngang kailangan nang operahan ang ngipin ko, kumakain pa ako ng matatamis. Alam ko na ngang kulang ako sa tulog, nagpupuyat pa ako.

Tama ng si Dok. Stress lang ito.

Lunes, ika-4 ng Abril 2005
12:57 n.t. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
The hypocrisy of it all (Part One)

Ang entry na ito ay para sa kaibigan kong si Rex Sayson, na nagrereklamong hindi niya maintindihan masyado ang ilan sa mga entries ko.

I've been in sickbay for two days now. It started out as an ache from an impacted wisdom tooth (see my last entry), then escalated to a full-blown 10-wheeler fever. With nothing much to do in the way of outdoor activity (I also fell victim to a long-overdue case of asthma, by the way), I found myself parked in front of the T.V. I woke up at 2:30 this morning and caught the news on Fox about Terri Schiavo, the brain-damaged (according to CNN) woman whose "right to die" had been the center of controversy among her husband, the ACLU, the Religious Right, the Schindlers (Terri's parents), and Fox News Channel. Yes, the same Fox Network which gave us the 2000 U.S. presidential election coverage which put the neo-cons back in the limelight and into the Oval Office.

Now, I don't have anything against letting Terri Schiavo die. When my father started sending feelers that he was about to go, the whole Sabilano brood agreed not to have him resuscitated in case his heart stops beating. And I think that's what he would have wanted. He had told us to just "accept it", and that he'd rather go sooner than have us suffer any more sleepless nights because of his screams.

"Right to life" activists would smirk and say, "But your father was conscious, Jonar. He had at least a lucid thought. Terri has been in a coma for more than a decade."

All right, Terri Schiavo is dead, long live Terri Schiavo. The Pope just suffered heart failure and has received the Last Rites, let us commend him to God Most High.

Meanwhile, the same president that the Religious Right catapulted to Pennsylvania Avenue has sent his condolences to the Schindler family, saying in effect that "What has happened to Terri is a manifestation of the culture of death that is spreading through the nation."

Coming from the foremost purveyor of the Pre-emptive Strike Doctrine, it couldn't have been more ironic.

Being overshadowed by all that "right to life versus right to die (with dignity)" hoopla is the news that the U.S. has finally admitted that the intelligence it used to justify its 2003 invasion of Iraq was in fact erroneous. Dubya has even said that "These errors in the system" should be rectified. He did not say anything, however, how he would make up for the thousands of Iraqi civilians killed in the name of peace (U.S.-style, of course).

And neither did Pat O'Reilly.

Friday, April 1, 2005
2:57 p.m. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Kumbaga sa bigas, may bumayo sa ngipin ko

MAY ISANG PAMAHIING nagsasabing kung nanaginip kang natanggalan ka ng ngipin, gawa man ng away-gulo o nuclear fallout o labis na pagkain ng matatamis, mawawalan ka ng mahal sa buhay. Ewan ko kung totoo 'yun, pero hindi naman ako nanaginip na nawawalan ako ng ngipin, maski noong nasa St. Luke's pa si Tatay. Wala talagang premonisyon, kahit na nagsiuwian na galing Canada ang mga kapatid niya.

Pero nitong mga huling araw, bagaman hindi ko napapanaginipang natatanggalan ako ng ngipin, talaga namang sumasakit ang ngipin mo. Noong Sabado ng gabi, halimbawa, noong nakatambay kami sa Easy Street, ako at si Deo at si Cook (ang kapita-pitagan, mala-alamat, at henyong dating "Squidballs" na ngayon ay "G-Strings" na ang pangalan). Habang sinusupsop ko ang talaba mula sa shell nito (ano nga ba ang Filipino para sa "shell"?), 'yun nga, medyo kumirot. Konti lang naman, pero kung wala akong amats noon, malamang na mas matindi pa ang nadama ko. Kinabukasan naman, nawala ang hangover ko noong ginising ako ng isang atomic-class na pagsabog ng kirot sa bandang kaliwang bibig ko. Ayun, hiyaw nang hiyaw nang hiyaw si Gago, dinig hanggang tindahan ni Mrs. Valera. Sabi nga nila sa akin, parang hindi namatay si Tatay, may nagmana sa lakas ng pagsigaw niya.

Bumili si Tina ng painkiller at pinainom sa akin. Hindi gumawa, kaya, hayun, napilitan akong uminom ng San Mig Lite ('yung malamig na malamig na nagyeyelo na). Nakailang bote rin ako. At, take note, mga kakosa, tanghaling-tapat iyon. Paggising ko nang alas-kuwatro, plastadong-plastado ako. At parang Kanong Raging Bull na galit na galit na nagwawala ang ngipin ko. Kahit na, sabi ko sa sarili. May misa ako at may gig pagkatapos. Ewan ko kung may awa talaga ang Diyos sa isang katulad kong umiinom na nawalan ng ama dahil sa kanser sa atay, pero nawala ang kirot. Alleluia.

Kinabukasan, pumasok na ako. Hindi ako nakapag-almusal, at nagmamadali yata akong bumili ng kapeng labis sa tamis. Sundutan pa ng halos isang kahang yosi. Pagkauwi ko, hayun, "Ka-BOOOOM!" Heto na naman. Pinainom ako ni Kuya ng Dolfenal. Naging mapayapa ang lahat, pero bago ako makatulog sa matinding tama ng gamot, sabi ni Kuya, "Huwag ka munang pumasok. Magpatingin ka sa FEU."

Kaninang tanghali, matapos ang kalahating kahang Marloboro Lights, dumiretso ako sa dentista.

Pinasok ni Doktora sa bibig ko (Ano nga pala ang pangalan niya? Ah, basta, kyut siya) ang kung ano mang ginagamit ng mga dentista kapag gusto nilang tingnan ang ngipin ng pasyente. Umiiling siya. Nagsimula uling kumirot ang 3rd molar ko, 'yung tinatawag nilang "wisdom tooth" na sa pagkakaalam ko'y walang kinalaman sa karunungan.

"Ah, Jonar," entrada ni Doktora, "Magiging prangka ako. Sa ngayon, kumbaga sa kanser, 'terminal stage' na ang 3rd molar mo." (FLASHBACK: sa St. Luke's, noong sinasabi ng doktor ni Tatay na anim na buwan na lang ang natitira.)

Hindi ko na inintindi ang mga iba pang sinabi ng doktora. Ang alam ko lang, pagkauwi ko, may bitbitna akong antibiotics na tumataginting na tig-pi-piptiseben peysows ang presyo. Tatlong capsule kada araw. Pitong araw. Bale halos P 1,200 'yun.

At ang masaklap, bawal akong uminom sa loob ng isang linggong iyon. Pero ayos na 'yun, kaysa magaya ako kay Tatay na tinusta ng alkohol ang atay. Huwag nga lang umabot ng libo kada araw ang gastusin sa gamot. Gusto ko nang magpabunot.

Martes, ika-15 ng Marso 2005
02:18 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Paninibago

MATAGAL-TAGAL DING naghalungkat ng bulsa ang drayber ng traysikel sa paghahanap ng baryang isusukli sa akin. Sarado na ang tindahan ni Mrs. Valera, at nakapatay ang streetlight sa kanto sa harap ng eskinita (Huwag na huwag tatawaging eskinita ang lugar namin, laging himutok ni Tatay dati; "compound" na lang daw). Pati ako, nagsimulang mangbulatlat ng bulsa. Pero wala, walang barya. Puro himulmol lang.

Kumatok ako sa pinto. Tumalon-talon si Chipps, ang pasaway naming German Shepherd, nang maamoy niya ang pusa ng kapitbahay. Binuksan ni Tina ang pinto. Simula noong nangyari ang lahat, takot na silang matulog sa taas, kahit wala namang lamok doon. Nilatag nila ang sofabed sa sala, at nagpalipas ng oras sa pamamagitan ng panonood ng kung ano mang Korea-novela.

Binati ko si Tatay. "Tatay, nandito na ako," katulad ng nakagawian na namin. Minsan, sa gilid ako dumadaan, sa kusina. Ngayon, dahil naka-kandado na ang pinto sa kusina, doon na ako sa harap dumadaan. Dati, sumisilip ako kay Tatay na nakahiga sa sofa at nanonood ng balita o basketbol, babatiin siya, magbibihis, sabay akyat sa kwarto. Ngayon, doon na ako sa harap dumadaan.

"Kumusta si Mai?" tanong ko kay Tina.
"Kailangan daw niya ng pambayad sa school bus bukas."
Sisilip ako sa pitaka at makikitang katiting na lang ang natira. Buwakananginang mga nakapaligid kasi sa akin, huthot nang huthot, hirit nang hirit, hingi nang hingi. Putang'na, bulong ko sa sarili, ang hirap maging ingat-yaman, administrador, katiwala. Ang hirap talaga.

Ngayon, heto, nakakapanibago. Uuwi ako galing trabaho, at wala nang Tatay na babatiin, maliban sa litrato niyang nililiwanagan ng kandila sa isang sulok ng sala.

Martes, ika-8 ng Martes 2005
05:29 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Si Tatay

Mangyari po lamang na ipanalangin natin ang kaluluwa ng aking Tatay na Ciriaco F. Sabilano, na sumakabilang-buhay noong Linggo dulot ng liver cancer.

Ang burol ay sa Ascension Chapel, Cathedral Shrine of the Good Shepherd, Regalado corner Omega Streets, Fairview, Quezon City. Ililibing siya sa Serenity Memorial Park, Bagumbong, Novaliches, Kalookan City, sa Sabado, ika-26 ng Pebrero, ika-10 ng umaga.

Maraming salamat.

Martes, ika-22 ng Pebrero 2005
05:46 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
I'm just filling space here since I've seen one too many tacky poems titled "Untitled" or a reasonable facsimi

Either it's my age, or I've forgotten how it is to write happy thoughts (do I really write in the first place?).

It's been a long 365 days since January 22, 2004, since I last stepped out of Citibank Square, remnants of the last salary in hand, hailing a cab to Ateneo since no one would risk driving to Fairview in the 3 p.m. heat. That was the last I would see, I thought, of Eastwood City, the city-that-is-not-within-a-city. Everyone I knew and worked with there thought that Fairview was too far. Even up to now.

Seems that everyone I know is losing someone they hold dear. Last May, it was my granddad who promised us a trip to Victoria, Tarlac this February for the fiesta I last attended, with distant relatives who were ironically Jehovah's Witnesses who celebrated in a sugarcane-field compound, around eight years ago. We went there in a beat-up, second-hand Hi Ace which busted two tires traversing the Bulacan-Pampanga Viaduct on the way back to Novaliches with bamboo poles tied to the roof. My younger brother suddenly burst into a fit of coughing as we turned left on the Malinta exit, which was weird as everybody was expecting me, a gangling asthmatic, teener, to catch hay fever.

Seems those days won't be repeated in the near future. The Hi Ace had been sold for a pittance and replaced with a trusty 1998 Tamaraw FX which did us service on numerous trips to the country, albeit not on Victoria town fiestas. My brother has been living in Las Piñas since last year since he teaches at a rich-kid school in Ayala Alabang, half of which write insipid entries in Very Bad English. I pity the guy.

And my granddad? Well, he's gone on to the Great Town Fiesta In The Sky.

(To be continued)

Sabado, ika-22 ng Enero 2005
09:09 n.g. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Pasensya na, takas lang ito. Isang sobrang late na entry.

HINDI, HINDI ako nag-hibernate tulad ng mga oso sa kung saan mang lupalop na nababalutan ng niyebe ngayon, ni naputulan ng daliri noong Bagong Taon (na putang 'na, sabi ni idol Conrad, sinalubong natin ng dalangin at hindi paputok). At lalong hindi ako tinamad. Sabihin lang nating hindi ako nakakagamit ng PC sa pagsusulat ngayon.

Binenta kasi ni Erpats ang PC namin. Sabi naman niya, tutal, hindi namin kailangan ang kompyuter noong nakaraang buwa, mas kailangan namin ang pera. Naipit kasi ang mga tseke niya sa kung ano mang dahilan. Pero hindi 'yun ang kwento, at lalong hindi tungkol kay FPJ, pero sabihin nating baka meron ngang kinalaman sa bangayan ng mga uri. Hindi ito nangyari sa Tondo o Sto. Domingo o La Loma, kundi sa Ayala. Oo, sa Ayala ni Ninoy at Gabriela at ng kung sinu-sino pang mga bayaning naiipit sa marmol at tanso.

Ganito kasi iyon. Malapit nang mag-Pasko, at namimili kami ng mga pambigay sa Kris Kringle namin -- ako at ang mga kasama ko sa opisina. Ewan ko kung bakit (baka alam ko kung bakit pero ayaw ko lang aminin sa sarili ko), pero tahimik lang ako sa kotse habang papunta kami sa Glorietta. Pagdating namin doon, tahimik lang ako. Tahimik lang talaga ako kapag kasama sila. Hindi ko alam kung bakit.

Naghiwalay kami sa G1. Sabi nila, magkita na lang kami roon ulit kapag nakabili na ng mga regalo. Tumango lang ako -- tahimik nga, 'di ba? -- at tumungo sa Tower Records, kung saan ko planong bumili ng CD na ireregalo ko sa nabunot ko. Sabi niya kasi, 'yun ang gusto niyang pamasko.

Matagal na rin akong naghahanap ng CD ng Kings of Convenience, ni Nick Drake, o ng Belle and Sebastian. Ipinakilala kasi sila sa akin ni Iris (oo, siya nga ang Bok ng Buhay Ko), at napahilig ako sa tugtog nila. Pero isang CD lang ng Belle & Seb ang nakita ko, at may kamahalan pa -- aba, kung bibili ako ng CD na ganun, papakinggan ko muna, tapos, ibibigay ko kay Iris! Kaya napabili na lang ako ng isang CD ng mga bandang British.

Isa't kalahating oras yata ang inabot ko sa paghahanap ng magbabalot sa nabili ko. Walang gustong magbalot ng hindi binili sa kanila. Kaya, ayun, bumili na lang ako ng paper bag na may design na pang-Pasko at doon na lang isinilid ang CD.

Tinext ko ang mga kasama ko: "Guys, I'll be going ahead. See you later." Hindi sa iniiwasan ko sila; hindi ko lang alam kung gusto nila akong kasama. Sabi nga ni J. noong isang buwan, hindi nila alam kung paano makitungo sa akin. Sagot ko, hindi ko rin alam kung paano makitungo sa kanila. Natahimik lang kami.

Kaya, ayun, naglakad ako mula Glorietta hanggang Rufino. Yosi lang ang kasama ko, at ang CD na walang gustong magbalot.

SABI KO na sa inyo, patakas ko lang ito isinulat. Walang nangyaring makayanig-mundo, ni makaagos-tsunami. Wala, personal angst lang ito. Bespren ko na kasi ang pag-iisa.

Martes, ika-28 ng Disyembre 2004
06:28 n.g. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Note to myself: Drink moderately.

Ganito pala ang pakiramdam ng nag-iisa sa opisina -- pwede kang mag-Friendster kapag tinatamad, makinig sa Launchcast, mag-YM kahit na walang masyadong online. At subukang hanapin ang blog ng isang taong ayaw ibigay sa akin ang address ng blog niya, 'yung dating nagpadugo ng mga luha galing sa aking mga mata...

Pero, heto, tapos na nga ang heartbreak ko. Ligaya na lang ang natitira ngayon, siguro, kahit may kaunting bahid ng pag-aalinlangan. Pasensya na, bok, pero totoo; tama ka -- laging may pag-aalinlangan sa simula, dahil kapwa iniiwasan natin ang malinlang.

(Pakshet. Heto, ang blog ko'y nagiging salukan na ng mga hindi masabi, mga iniisip kung sasabihin o hindi. Sabi nila, masyado akong transparent. Totoo nga ba? Naikuwento ko na ba rito ang naka-one night ko sa dati kong trabaho, ang mga katarantaduhang ginawa ko noong malungkot pa ako dahil kay D.? Ewan ko, wala namang nangungulit. Sapat na siguro ang ganito.)

Birthday ni Nonoy ('yung bunsong lalaki sa aming tatlong pasaway na Sabilano) kahapon. Sa isang konyong eskwela sa Alabang nagtuturo ng Ingles ang gago, kaya kung anu-ano ang dala niya kahapon. Akala ko, matatalbugan ko na siya sa Christmas basket na iniuwi ko mula sa opisina noong Martes (at oo, may kasamang Christmas ham ang basket). 'Yun pala, isang buong Basura Bag ng mga "goodies" ang dala niya. Una, naglabas siya ng isang paper bag ng mga grocery. 'Di naman fancy, basta may mami noodles, may de lata, atbp. Sunod, fruitcake naman. Hinihiritan ko siya: "'Tol, ako na ang bahala sa fruit salad at ham natin."

Sabay naglabas siya ng isang bote ng Baron de Valls. Oo, 'yung alak na pula. Walandyo... Regalo pala sa kanya ng estudyante niyang foreigner, palibhasa kasi, mahal siya ng mga estudyante niya. Apat na bote raw ang binigay sa kanya noong Biyernes. Napilitan tuloy mag-taxi si Utol hanggang Almanza II. (Magkano kaya ang pamasahe niyon?) At hindi lang iyon -- naglabas din siya ng white wine na nasa loob ng karton. Tinira namin habang nag-iihaw ng barbecue sa hardin naming nilagyan ng bricks sa lupa. Wala aking planong tirahin ang alak, nirereserba ko kasi para sa Pasko iyon. Pero napabili si Nonoy ng lambanog na bubblegum ang flavor. E hindi tumugma sa barbecue. Lasang gamot. Kaya, ayun, pinabukas ko kay kuya ang Baron de Valls. Sarap. Asteeg. Solb, mehn.

Alas-seis na ng hapon ako nagising. May praktis kami sa koro nang alas-kuwatro (alas-tres ako naidlip). Naglakad ako hanggang simbahan na ang tanging dala ay isandaang piso, cellphone, at yosi na muntik nang makumpiska sa akin ng Mommy ko habang nag-iihaw kami ng barbecue at tumitira ng sosyal na toma:

MOMMY: Naninigarilyo ka ba?
AKO: Hindi po.
MOMMY: Huwag ka magsisimulang manigarilyo ha?
AKO: Opo.
MOMMY: Mabuti. Teka, may posporo ka ba diyan?
AKO: Wala po. May lighter po ako.

Ewan ko lang kung hindi na siya makakuha ng palatandaan doon, ha.

Kaya nga kahit may amats pa ako (sayang naman kasi ang lambanog ni Nonoy), dinayo ko pa ang Ayala Avenue para lang tapusin ang kailangang tapusin na di naman matapos-tapos. Bad trip nga kasi pata tim ang ulam namin sa bahay ngayon. Pero kailangan, oo, kailangan. Kailangang mag-overtime ngayong Linggo para maagang makasibat sa Lunes. Dadaanan ko ang Bok ng Buhay Ko sa eskuwela. Bahala na kung saan ang punta, kung ano ang gagawin. Basta kasama siya. Parang yosi at toma -- kahit saan, basta merong ganun, solb na ako.

mood: masaya
tugtog: nick drake -- pink moon


Linggo, ika-19 ng Disyembre 2004
12:18 n.t. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Parang isang linggo lang ang nakaraan

"Wala na si Sir Alix," nabasa ko noong nakaraang Martes sa egroup ng batch ko noong haiskul. Masama raw ang tama sa atay, dulot siguro ng kakatoma, at na-ospital noong weekend, oo, 'yung weekend kung kailan unang tumugtog ang Squidballs sa GSP (walang koneksyon). Nagtanong-tanong ako kung saan ang burol, kasi malapit lang sa amin ang bahay niya (ewan ko kung saan talaga iyon, pero lagi kasing katambay ni Erpats si Sir dati). Sabi nila, sa Pisay daw ibuburol sa Biyernes na iyon bago dalhin sa Batangas kinabukasan.

Maaga ako sumibat galing Makati, baka kasi wala akong maabutan na batchmate ko, baka mamaya, puro teacher na lang ang makita ko. Pagdating ko, nagulat ako -- parang alumni homecoming ang dating. Hindi kasi ako dumadalo sa homecoming namin dahil laging natatapat sa birthday painom ko.

Nakita ko si Golez, na ngayon ay nasa Sangley Point na, at si Ramos, na ngayon ay sa refinery ng Shell na nakadestino, at sina Van at Andy na kapwa nag-aaral ng medisina, at si Aguila na napakalaki ng inilaki simula noong huli akong nakatapak sa Agham Road, at marami pang iba...

Oo, si Aya, na mag-aasawa na raw sa Pebrero. Kinuwento niya sa amin iyon habang naglilibot kami sa kampus. Nagulat kami. Napayosi ako. Naka-tatlo yata ako sa loob ng 15 minuto. Hindi, hindi lang tatlo; naka-lima yata ako, kaka-taktak ng abo, kakahitit dulot ng pagkagulat sa kung paano hindi ko na kilala ang mga taong kasama ko, sa pagkamangha nila sa kinuwento kong pagbabago sa bespren kong si Mike Lee.

Ah, oo, si Mike Lee. Dati, napakasosyal niya kapag nagmumura -- "JESUSCHRIST!" sabay suntok sa karatulang korteng-Jollibee sa sulok sa cafeteria na tambayan ng Back Lobby boys. Nahuli pa nga minsan ng isang teacher ng P.E. Sa kabutihang-palad, hindi naman na-kickout ang mokong. Napagalitan lang. Matapos ang isang sem sa Ateneo, ayun, nasipa nang tuluyan.

Noong huli naming pag-uusap, sabi niya sa akin, "Jonar, ilabas mo ang Bible mo, and turn to Revelations 10:7," (Hindi, hindi talaga iyon ang bersikulo ng Bibliya na ipinabasa niya sa akin, pa-epek lang iyon), sabay kuwento tungkol sa pagbabago niya dulot ng paglipat niya ng simbahan. Sa loob-loob ko, minumura ko si Mike, "Puke ng ina ka, Mike, magmura ka naman, putang ina ka."

Nakaka-miss na talaga ang puke-ng-inang Mike Lee na iyon.

Bumalik ako sa ataul ni Sir Alix sa ASTB Hall. Tiningnan ko si Sir. Ang laki ng katawan niya dati, noong nakakainuman ko sila ng Erpats ko at ng mga kasama nilang magbinggo sa Sangkalan. Ngayon, wala na; mas payat pa kay Palito si Sir. At least ngayon, sabi ko kina Chi at Van at Andy habang nagkakape kami sa Ever Commonwealth, may buhok na si Sir.

Minsan kasi, bago kami grumadweyt nina Mike Lee at Chi at Van at Andy at Aya at Golez mula sa Pisay, tinanong ko si Sir: "Sir, naniniwala ba kayo sa reincarnation?"

E konserbatibong Katoliko pala siya. "No, I don't."

"Kasi, Sir, naisip namin, kung totoo nga 'yun, malamang noong 12th century kayo nabuhay sa past life ninyo at walang inatupag kundi pagbabasa at pagbubungkal ng lupa at pagkanta ng Gregorian..."

Ngayon, alam na namin kung bakit hindi naniniwala si Sir Alexander A. Alix sa reincarnation: Kung muli siya mabubuhay sa ibang katawan, paano mananatili ang diwa niya sa puso ng mga tinuruan, minahal, ginabayan niya?

Biyernes, ika-10 ng Disyembre 2004
12:46 n. t. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Mula sa koleksyong "Tie, jacket, maso, karet"

Sa Mga Kalabaw sa Greenbelt Mall

Hindi ko alam kung matatawa ako o magtataka kanina, noong nakita ko kayong sumusunod sa amo niyo sa kapilya ng Santo Niño. Paano ba naman, sino'ng gago ang nag-isip na ilagay kayo sa gitna ng kongkreto at bato, sa gitna ng puno, gusali, pusali?

Hayan kayo, nakabalandra, natigilan sa paghahakbang, dinadaanan nilang hindi nakaaalam na nariyan pa rin kayo -- hindi alam na kayo'y sinasakyan, pinang-aararo, ibinibilad sa dilim upang patuyuin ang putik ng maghapon! Napaka-itim ninyo -- sing-itim ng magsasakang nakasakay sa inyo, sing-itim ng tubig na naiipon sa paligid ng kapilyang puti, sing-itim ng lupang nilalakaran, dinadaanan, pinaglalaruan ng mga batang walang muwang! Sino pa ba'ng makapagsasabing ginagamit pa rin kayo, habang wala kayong lugar sa kabihasnan?

O mga sinumpang anakronismo sa gitna ng lugar na banal na hindi man lang sinisikatan ng araw! Kailan kayo magpupumiglas sa mga tali ng lungsod at babalik sa nayon? Hinahanap na kayo ng amo ninyong inagawan, ninakawan, pinagkaitan ng lupang sinasaka niya! Simulan na ninyo ang pagwawala, dito, sa poder ng mga Ayala, at wasakin ang kalikasang huwad sa gitna ng semento!

Sapagkat walang damo rito, kundi abo lang ng mga sigarilyo ng mga konyo sa Figaro. Sapagkat walang sapa rito, kundi burak na pugad ng mga lamok at tagasalok ng dumi ng lungsod.

Sige, humayo, magparami, ihayag sa lahat na walang pag-asa rito, sa lugar na kung saan bawal kainin ang damo.

Martes, ika-26 ng Oktubre 2004
02:14 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Sapagkat ang Filipino ay hindi pangtalumpati lamang

Ang susunod na entry ay galing sa isang email na ipinadala bilang tugon sa egroup ng Bawal Isilang Dito.

Mula sa blog ni Mikael (http://abo-sa-dila.blogspot.com):

Tama nga; hindi naman yata kayang magsalita ng mga latak ng lipunan, ng mga subaltern. Pero kaya natin silang kausapin. At ang tungkulin ng sining sa lipunan, kung mayroon man, ay ang maging wika habang nagpapaka-organiko tayo't kinakausap ang taumbayan.


Medyo hindi ko yata trip ang tunog nito. Ang problema kasi, tila nagiging "domain" na ang wika ng mga "nakapag-aral" nito. Hindi naman ako tutol sa pag-aaral ng wika, ngunit kailangan din nating isaalang-alang ang pangunahing gumagamit at gumagawa nito. Sabihin mang "jologs" ang ibang salita sa iba't ibang sub-dialekto ng Filipino, naging bahagi na rin ang mga ito ng wika.

Napag-usapan na namin ni Aaron ito dati. Kung napapadaan kayo sa blog ko (http://dagitab.pitas.com), mapapansin ninyong madaming humihingi ng talumpati sa akin. Naasar ako, hindi lang dahil ginawa nilang chatroom ang tagboard ko, kundi rin dahil nagiging pang-"display" ang wika -- nasadlak ito sa nibel ng pangtalumpati, ng pormal. Sa isang wikang hindi pa gaanong "established" tulad ng Filipino, nakakalason ito, parang taong hindi na gumagana ang bato't kailangan nang magpa-dialysis araw-araw. Dahil dito, nae-"alienate" ang tao sa wika. Pansinin ninyo -- wala na halos nag-seseryoso sa pag-aaral ng Filipino sa mga paaralan. Bihira na lang ang matatas sa Filipino, dahil hindi ito ang ginagamit, o dahil din siguro hindi kinikilala ang mga salitang ginagamit ng karaniwang tao bilang bahagi ng isang dinamikong wika.

Pustahan tayo. Kung may taga-labas na makabasa ng tugon kong ito, hihingiin niya ito't iprepresenta bilang talumpati sa Linggo ng Wika. Kahit matagal nang tapos ang Linggo ng Wika.

Ganoon din ang sitwasyon ng panitikan. Pumasok kayo sa kahit anong National Bookstore. Mapapansin ninyong mas maraming bookshelf ('yan, isa pang salitang walang direktang salin sa Filipino) ang nakalaan sa mga self-help books, sa mga "tsupipay" na love-nobela, at sa "Purpose-Driven Life". At madalas, nakahiwalay ang mga "tsupipay" na nobelang Pinoy sa mga "seryosong" aklat nina Domingo Landicho, et al. Hindi ba diskriminasyon rin ito ng mga "kilalang" manunulat laban sa mga manunulat na ang target market ay ang sinasabing "latak ng lipunan" ni Mikael?

Mali yatang sabihing hindi kayang magsalita ng mga subaltern. May wika rin sila, may panitikan din sila. Ang nangyayari, dahil nasadlak ang wika at panitikan nila sa ganoong antas, iniiwasan natin sila at sinasabing hindi nila kayang magsalita (sa nibel natin?). Hindi nagkakaunawaan, dahil magkaiba ang wikang ginagamit natin at nila, at dahil magkaiba tayo ng pinanggagalingan. Hindi yata natin puwedeng isuksok sa mga baga nila ang tinuturing nating "wika" at "panitikan, dahil may sarili sila nito; at mas maganda siguro kung sa halip ng ipagpilitang kilalanin nila ang wikang ginagamit ni Rio Alma, kilalanin muna natin ang wika ni Rey Pumaloy. Sa huli't huli kasi, lahat tayo ay may obligasyong mag-aral, at magturo. At matuto sa "subaltern".

Sapagkat ang Filipino ay hindi pangtalumpati lamang.

Huwebes, ika-7 ng Oktubre 2004
09:36 n.u. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Tahimik kitang mamahalin ngayong gabi

Pasensya na, mahal,
kung tahimik kitang mamahalin
ngayong gabi.

Nakabibingi kasi ang daigdig --
nakaririndi ang araw-araw na pakikinig
sa mga ungol ng mga makina,
sa mga halinghing ng lansangan.
Huwag kang magugulat
kung wala kang maririnig,
ni ha, ni ho; ni singhap, ni ano.
Ayaw ko lamang makisabay
sa ugong ng lungsod, sa sigaw ng mga sasakyan;
bakit pa ba natin papatayin ang mga ilaw, mahal,
at para saan pa ba natin isasara ang mga bintana?

Tumingin ka na lang sa aking mga mata;
sa pagtirik nila'y kakausapin kita.
Damhin ang pagpisil ng aking kamay sa iyong balat,
ng aking mga bisig sa iyong katawan.
Hayaan mong malunod ako
sa mga palusong at paahon ng iyong dibdib,
hayaan mong ipadama ng aking labi
ang pagnanasang ikinimkim
sa loob ng maghapong rimarim;
huwag mo akong pigilan
sa pagkakataong nais kong tuklasin
ang mga lihim ng iyong daigdig.

Ngayong gabi, ikaw lamang
ang nais kong marinig.
Sigawan mo man ang aking tenga,
hindi ako mabibingi. Hindi ako mabibingi
sa mga sigaw mo, mahal, at ikaw lamang
ang nais kong marinig. Sapagkat,
sa ating mundong apat ang dingding,
ang nagkakariniga'y tayo't tayo rin.

Ngunit, muli, huwag kang magugulat
kung tahimik lang ako sa ating pagniniig.
Ibig sabihin lang nito'y
sa ritmo mo ako nakikinig.


Tuesday, September 28, 2004
08:38 a.m. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Ilang minuto na lang, uwian na. Tik. Tak. Tik. Tak.

Maginaw ngayon sa opisina. Pagpasok ko kaninang umaga, pagkaupo ko sa bago kong upuang in-isyu ng IBM, nagulat ako nang biglang BANG! tapos, parang umulan. Malakas na ulan, hindi katulad ng panaka-nakang pag-ambon-ulan mala-balisawsaw-ni-San-Pedro sa Fairview kagabi. Tumingin ako sa labas. Maliwanag naman ang araw. Tapos, bigla akong nakadama ng ginaw. Putsa, sabi ko sa sarili, heto na naman ang centralized airconditioning ng gusaling ito. Brrr. Brrr.

Dati ko pang kalaban ang ginaw na ito. Lagi ko kasing nakakalimutang magdala ng jacket. Paano ba naman kasi, dinadala ko lang ang kung ano mang magkasya sa clutch bag ko. Hindi naman nagkakasya ang isang XXL na thermal jacket sa ganoong kaliit na lalagyan. Kaya, madalas, nagsusuot ako ng polong mahaba ang manggas. Kanina, naisipan kong magsuot na lang ng barong. Marami na rin kasi akong nakikitang naka-barong dito sa opisina. Tamang-tama, ayaw ko pa namang magsuot ng kurbata ngayon. Ayaw ko ring mag-tuck-in ng polo dahil nakakatamad na. Dahil sira ang sasakyan ni Erpats ngayon, isang oras kaming nag-abang ng taxi sa Jollibee sa amin, sa gitna ng trapik. Mga walong taxi yata ang napara (at namura) ko bago kami nakasakay ng taxing may tsuper na papayag bumiyahe papuntang Pasay.

Muntik pa akong mahuli. Pagpasok ko, iyon nga, nagbukas ang aircon. Nag-check ako ng email ko. Doon ko nakita ang mga ipinadala sa akin ng Bok Ng Buhay Ko. Dinalaw ko ang Ligaw na Dagitab. May humihingi na naman ng pakshet na talumpating iyan. Kung bakit kasi hindi na marunong magbasa ang mga bata ngayon. Tiningnan ko ang Friendster ko (oo, matagal na akong sell-out sa ganoon). Hindi pa dumarating ang inaabangan kong sagot sa mensahe ko.

Ewan ko, pero pagkatapos kong isulat ang isa ko pang blog entry kanina ("Hindi na ako nagtataka"), naisipan kong bumaba muna't magyosi sa yosihan sa baba, 'yung tinatawag nilang "Lung Center."

Naka-dalawang yosi yata ako sa loob ng labinglimang minuto. Nanumbalik sa mga daliri ko ang init na pinawi kani-kanina ng ginaw na dulot ng aircon at ng ipinadala sa email ko kagabi. Pag-akyat ko, naglalaro pa rin ng Yahoo! Games ang mga tao. Palibhasa, training pa rin naman. Hindi pa kami tatanggap ng mga totoong claim hangga't hindi pa bumabalik sa bansa ang mga kasama naming nauna sa Scotland. Sumapit ang lunch break namin. Lahat sila, may dalang baon. Kumain sila sa conference table na nasa tabi ng cubicle ko. Ako naman, dahil walang baon, bumaba muna't kumain sa McDo malapit sa opisina. Pagbalik ko rito, wala sila. Tila nagsibabaan din yata. Muli, nag-iisa na naman ako. Lagi namang ganito.

Kung tutuusin, sanay na talaga ako sa pag-iisa. Simula pa noong nasa Grade 3 ako, noong inilipat ako sa klaseng panghapon, naging "loner" na ako. Noong ibinalik ako sa pang-umaga noong Grade 5, hindi ko na kilala ang mga kaklase ko, at hindi na rin nila ako kilala. Si Jose -- ang ubod ng talino. Si Jose -- ang nerdo. Si Jose -- ang Spelling Bee Wizard ng Grade 2. Pero hindi si Jose -- ang kabarkada namin.

Nagpatuloy ito hanggang haiskul. Binabato ako ng kornik ng mga kaklase ko, hindi pinapasahan sa basketbol, at naglalakad nang naglalakd paikot ng kampus. Mag-isa. May nagsabi sa akin: "Jonar, best friend mo na yata ang pag-iisa ngayon." Sabi ko sa kanya, siguro. Pero hindi ko ito pinili. Baka ako ang pinili ng Pag-iisa, dahil ayaw na nga niyang mag-isa.

Kaya minsan, huwag kayong magtataka kung mapadalaw kayo sa IBM Plaza at nakikita akong nag-iisa. Hindi naman ako galit sa kahit sino, pero minsan, gusto ko lang mapag-isa. Nararamdaman ko na kasing ito na talaga ang kahahantungan ko. Matapos ba namang makabasa ng ganoon mula sa isang taong laging sinasabing lagi niya akong iniisip, mas nakatitiyak akong wala na akong ibang kahahantungan. Kailangan nang magpakasanay. Pasensya na, daigdig, hanggang dito na muna ako, sa loob ng isang maginaw na cubicle, sa Libis, sa Quezon City, mag-isa. Pasensya na, Bok Ng Buhay Ko, hindi ko sinasadyang masaktan, pero heto na nga, nag-iisa na naman ako. At hindi ko ito pinili.

Tatlumpung minuto ng pag-iisa. Ayos na. Yosi ulit.

Lunes, ika-27 ng Setyembre 2004
04:18 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Hindi na ako nagtataka (pahimakas sa nakaraan)

Bok ko,

Kababasa ko lang ng mga ipinadala mo sa akin. Ngayon, hindi na ako nagtataka kung bakit tila wala kang planong ipabasa sa akin ang mga iyon. Siguro, kung ipinadala mo ang mga iyon noong Hulyo o Mayo, baka hindi ako makapagsusulat. Hindi ako makapapasok sa opisina. Siguro, baka maulit ang nangyari sa akin mga labing-isang-buwan-at kalahati na ang lumipas.

Ang bagal pala ng takbo ng panahon kapag hinihintay mong humilom ang mga sugat. Lalo na kapag marami ang sumugat sa iyo. Naka-ilan na ba ako? Una akong pumasok sa karerang ito mga apat na taon na ang nakakaraan. Naalala ko pa ang eksaktong petsa: ika-24 ng Setyembre 2000. Simula noon, walang-tigil na akong naghahabol, laging kinakapos pagdating sa dulo. (Kailangan bang laging may dulo? Bakit hindi na ngayon uso ang tumanaw sa "walang-hanggan?")

Kahapon, nandoon ako sa simbahan. Maaga ako dumating, kaya tumambay muna ako sa likod at nagyosi. Biglang dumating ang isang bagong-salta sa koro namin, si J., at nagsimula kaming magkwentuhan. Kilala niya pala si D., sabi niya; ka-batch daw niya iyon noong haiskul pa sila. Wala akong imik. Napansin niyang bigla na lang akong napatahimik. Sabi ko, wala lang ito. Sabay hitit ng yosi. Kwento ni J., titibo-tibo raw pala si D. noong magkaklase pa sila. Sabi ko, naipaliwanag na sa akin si D. iyon. Misunderstood lang daw siya noon.

Pagkatapos ng misa, kinausap ko si A. Magkaka-batch lahat sila -- si G., si J., at si D. Ewan ko, pero bigla akong napa "arte-iyak" -- iyong tipong parang "acting" lang, parang patawa sa sarili.

Napansin ko lang na basa ang lente ng salamin ko pagkatapos.

Ngayon, nakaupo ako sa opisina, binabasa ang mga ipinadala mo sa akin. Bakit walang petsa? tanong ko sa sarili, sabay sipsip sa kape. Mapait. Wala yatang asukal sa vendo machine sa ika-5 palapag. Sinusumpa ko na ang vendo machine na iyon.

Mabuti ang vendo machine, puwedeng sumpain. Puwedeng palitan kahit kailan, isang tawag lang sa Nestle at nandito na ang magkakabit ng bago.

Sigurado na ako sa nararamdaman ko, Bok Ko. Napaiyak lang ako kagabi kasi... wala lang. Gusto ko lang umiyak. Para naman maitaboy ko na ang mga demonyo ng labing-isang-buwan-at-kalahati.

Ngayon, alam ko mang wala na ang mga demonyo ng ika-26 ng Setyembre 2003, hindi naman kita matutulungang puksain ang mga demonyong umaaligid sa paligid mo.

Nanlulumo ako ngayon, alam mo ba iyon? Hindi dahil sa mga nabasa ko. O dahil siguro sa mga nabasa ko. Pero ngayon, hindi na ako nagtataka, ngayong nasabi mo na kung bakit hanggang ngayon, nariyan ka pa, at narito ako. Tatahimik na ba ako? Heto na naman ako. Baka mamaya, magtaka na ang mga kaopisina kong akala'y lagi akong hyper, laging masaya.

Sigurado na ako sa sarili ko, oo. Sigurado akong mamayang gabi, pag-uwi ko't paghubad ng barong na suot ko, pagpasok ko sa kuwarto, didiretso ako sa kama. Itatago ang ulo sa ilalim ng unan. Mag-iisip. O di kaya'y tatapusin sandali ang pag-iisip, pag-aalinlangan, pagtataka, pagpapakasakit sa sarili.

Lunes, ika-27 ng Setyembre 2004
08:19 n.u. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Pasabog mula sa nakaraan

Dahil siguro petiks ako ngayon sa opisina (down kasi ang system na ginagamit namin at hindi ako makagawa ng expense reimbursement claim), patingin-tingin lang ako sa mga kung anu-anong websayt. Kahapon, pinuntahan ko ang websayt ng egroup ng Pisay '99. Nakita ko ang mga unang akda ni Mikael, 'yung tungkol sa Mahal na Araw at sa Inang niya at sa mga abo ng yosi sa kalye Misericordia.

Ngayon naman, nakita ko ang isang post ko noong kasagsagan ng EDSA TRES. Napaisip tuloy ako: putang ina, naging reaksyunaryo rin pala ako noon. Kaya, heto, basahin. Punahin. At utang na loob, huwag naman ninyo ito gamitin bilang talumpati. May bayad po. (Ah, ulol.)

From: "No tengo vacaciones porque hay clase" Date: Fri Apr 27, 2001 1:45 am Subject: erap, edsa tres(?) at ang media

hindi magtatagumpay ang tinatawag nilang "people power 3".

una, wala ang suporta ng simbahan. kahit na sabihin nating kasama ang iglesia ni cristo (na siyang may-ari ng net25, ang kaisa-isang himpilan sa telebisyon na nakatunghay sa mga nagyayari sa edsa ngayon) o di kaya'y ang el shaddai, wala pa rin silang panhatak katulad ni cardinal sin. ni hindi man lang sila nagdadasal doon sa edsa shrine, hindi katulad ng unang dalawang malaking pagtitipon doon. kahit na ano ang sabihin ng iba, malakas pa rin ang kapangyarihan ng pananalig, kahit na sikolohikal lang ang epekto nito. at binastos pa nila ang edsa shrine! ma-karma sana sila...

pangalawa, TAO lang ang ipinaglalaban nila. napansin ko na noong unang dalawang EDSA ay kitang-kita na ang BAYAN (hindi ang party-list ni satur ocampo) ang kanilang ipinaglalaban. ngayon naman ay TAO na kinasuhan ng pandarambong ang ipinaglalaban nila. alam nating lahat na mas madaling lumaban para sa isang taong buhay kaysa lumaban para sa isang abstraktong konsepto katulad ng "bansa". ngunit ang madaling ipaglaban ay mas madaling sukuan. mawawala at malilimutan ang tao, ngunit ang bayan ay mabubuhay pa rin.

ikatlo, walang suporta ng militar ang edisyong ito ng edsa.

ikaapat, wala silang suporta galing sa media (pwera lang sa remate, tik-tik, manila standard (na pagmamay-ari ni mark jimenez na kaibigan ni erap) at abante tonite) sapagkat ayaw ng mga pro-erap sa mga media. kung wala kang suporta ng media, wala rin sa iyo suporta ng buong mundo. sinabi ni dong puno kanina sa net25, bakit daw noong gumagala ang abu sayyaf sa mindanao ay nagdadagsaan ang mga media doon, ngunit ngayon sa edsa ay hindi nila masikmurang pumasok?

sagot: mas tuso ang mga abu sayyaf. upang makuha ang pansin ng buong mundo, nandakip sila ng mga dayuhan. at siyempre, para makuha ang mga demanda nila, kailangang ipakita sa buong mundo ang kanilang mga nadakip. at siyempre,sino pa ba ang gagawa noon kundi ang media? kaya naman hindi nilang nagawang patungan ng kamay ang mediang nagsidagsaan doon, kung hindi ay mapapalitan ang imahen nila bilang tagapagtanggol ng islam ng imahen ng isang lantarang kidnap-for-ransom na kompanya, na sa tingin ko naman ay ang totoo nilang kulay.

sa bagong edsa naman ay binabato sila ng mga tagahanga ni estrada. bobo sila. hindi nila alam na kailangan nilang gawing kakampi ang media upang mapaabot sa lahat ang kanilang mungkahi.

tungkol kay miriam: pwede na siyang tumalon ngayon. hindi ko siya pinipigilan. akala ko pa man din na bilang kandidato, hindi mapapatwad ang pagsisinungaling. "i lied" daw, sabi niya. tama si mareng winnie: hindi kailangan ng sinungaling sa senado, mas lalo na sa malacañang.

paalala: mag-ingat kayo kapag lumabas kayo ng bahay. baka mabagsakan kayo ng hindi kanais-nais na bagay. at hindi ooh-ooh ng ibon ang tinutukoy ko dito.

nagpaparamdam lang,
jonar

Pakshet. Napaka-reaksyunaryo ko pala noon.

Miyerkules, ika-15 ng Setyembre 2004
09:37 n.u. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Sa mga humihingi ng talumpati

Matagal na pala akong hindi nakakapag-update ng blog na ito. Marami kasing nangyari nitong mga nakaraang linggo. Lumipat ako ng trabaho. At least dito, sigurado ako sa iskedyul ko; hindi ko na kailangang gumising nang alas-tres ng madaling-araw. Naospital si tatay. Wala akong internet access sa bahay dahil naubos na ang prepaid card ko.

At kayong mambabasa, HUMIHINGI PA RIN KAYO NG TALUMPATI?

Anak ng tutsang, hindi ba kayo tinuruan ng titser ninyong masama ang paghingi? Hihingi kayo sa iba tapos palalabasing kayo ang gumawa? Plagiarism iyon, mehn. Punishable by expulsion, kumbaga. Tsk, tsk.

At bakit ba naman kasi pangtalumpati lang ang tingin ninyo sa Filipino/Tagalog? Diyos ko, puro kasi "Plorante at Laura" ang pinababasa sa inyo, e. Pati na rin 'yung Odulio de Guzman translation ng Noli at Fili. Ako nga, noong haiskul ako, sinusuka ko ang mga salitang "punyales!", atbp.

Ang problema kasi, ang turing ng ibang mga guro, pormal na wika ang Filipino. Oo nga't nagiging pormal minsan ang Filipino, pero nakalimutan nilang ito rin ang wikang ginagamit ng tsuper ng dyip, ng kargador sa pier, ng namamalimos at taong-grasa sa kalye. Sa tingin mo ba, kapag ibinibigay ng tsuper ang sukli mo, sasabihin niyang "Ginoo, heto po ang labis sa inyong ibinayad"? Hindi, sasabihin niya, "Bos, sukli sa beinte."

My God, my God. Ang problema kasi sa ibang linggwista, hindi kinikilala bilang "wika" ang salitang-kalye. Tuwing nakakarinig sila ng malutong na "Putang ina!" o di kaya'y "Ambaho ng kachichas mo!", tinatakpan nila ang ilong nila, parang nakaamoy ng daga. 'Yung patay at nabubulok at sinasagasaan ng mga dyip, ha.

Ano pa ba? Ay, oo. Gusto nilang turuang manalumpati ang mga estudyante nila, pero hindi naman marunong sa ispeling. Binabaybay nila ang "na lang" bilang "nalang". Anak ng pating! No wonder humihingi kayo ng talumpati!

Hindi kasi istatiko ang wika, lalo na ang Filipino, sapagkat napapasukan ito ng iba't ibang impluwensiya, hindi lang galing Amerika, kundi galing sa mga bakla, maton, kastila, intsik, atbp. Kasama na sa bokabularyo ang mga salitang "itech" at "bolanchao", kasama ng mga salitang "dagitab", "dalumat", at, oo, ng "pagpapakaharuyo". Hindi lang pang-display ang Filipino; ginagamit ito. Nagbabago ito. At hindi lang ito pangtalumpati, dahil wika ito ng lahat.

Sabihin ninyo sa titser niyo iyan. At oo nga pala, sabihan niyo rin siyang pagbasahin kayo ng "Utos ng Hari" at "Kung Baga sa Bigas".

PS. Sana naman, huwag na rin kayo humingi ng textmate sa tagboard ko!

Biyernes, ika-10 ng Setyembre 2004
07:42 n.u. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Karma pulis

Ka-Yahoo!Messenger ko kanina ang isang dati kong kaopisina. Nagrereklamo. Kesyo simula noong umalis ako sa takteng callcenter na iyon, lumabas na ang tunay na kulay ng team namin. Kesyo mapulitika na raw, mahilig magparinig sa mga bagito't bagita, mahilig mang-alienate. Dagdag pa niya, lagi na lang mga "boys" ang pinagtutuunan ng pansin ng TL namin. Baka raw naglaladlad na.

Mabuti na lang at sa YM lang kami nag-usap. Hindi niya tuloy nakikita ang mga tawa ko kaninang alas-siyete y medya, dito sa Libis. Paano ba naman, bigla akong na-deja vu sa mga kinukwento niya. Gusto ko sanang sabihing Hoy, babae, huwag kang magreklamo; ginaganyan niya ako dati. Tama lang na dumaan kayo sa pinaranas ninyo sa akin. Sa halip, naki-empathize na lang ako. Aba, naging callboy din yata ako dati! Sabi ko sa kanya, hayaan mo na sila; ganoon talaga kapag bonded na ang isang grupo at may biglang papasok. Nalaman ko iyon the hard way.

Hinihintay kong sumagot siya. Taong bato nga talaga, oo; walang imik ang gaga! Parang hindi siya kasama sa mga nanggago't nagparinig at nag-udyok ng inis sa akin!

Pero, sige, nasa Libis na ako. Nasa Ortigas siya. Tumama na ang karma. Ako na lang ang tumatawa kanina. Kanina, sa isang opisinang walang laman kundi kompyuter, ako, at mga kasama kong hindi man lang ako pinahirapan.

Huwebes, ika-9 ng Setyembre 2004
03:30 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Avail ako ngayon (isang kwentong sell-out)

AVAIL, pangngalan. Sa call center, ang tawag sa kalagayan na kung saan matagal nang nag-aabang ng tawag ang isang ahente, ngunit mukha namang wala nang papasok pa.

Nakita ko kanina si Kendra sa Galleria. Oo, si Kendra Castillo, 'yung ka-batch ko sa Pisay na nag-Peyups noong kolehiyo na lumipat sa Ateneo noong nasa ikatlong taon na kami upang mag-aral ng pisika na nagtapos bilang balediktoryan ng Ateneo de Manila Loyola Schools Class of 2004. Kalalabas ko lang sa opisina upang mananghalian sa Galleria kasama ng katrabaho kong si Christian. Pareho kaming walang pera (ako at si Christian, hindi si Kendra). Kaya nilibre niya ako ng isang Sundae Cone sa McDo dahil iyon lang nakayanan niya. Sakto lang kasi ang pera namin: siya, pamasahe pauwi sa Sampaloc, ako naman, pang-bus hanggang Fairview Caltex (lalakarin ko na lang ang kalahating kilometro hanggang bahay.)

Nasa ikatlong palapag kami. Pumunta raw kami sa Astrovision, anyaya ni Christian. Pero dahil hindi ko pa nauubos ang sundae cone ko, tumambay muna ako sa labas.

Bigla kong nakita si Kendra. Oo, siyang may mukhang madaming freckles noong haiskul, na ngayo'y singkinis ng porselana ngayon. Hinding-hindi ko maikakailang siya iyon; suot pa niya ang jacket niyang may tatak na "Ateneo Fencing League." Pero hindi ko na binati; hindi ko rin kasi natitiyak na kilala pa rin niya ako. Dire-diretso lang ang lakad niya. Tumutulo ang ice cream sa mga daliri ko. Nakalimutan ko palang humingi ng tisyu sa McDo.

Pagbalik ko sa opisina (ewan ko kung opisina nga ang tawag sa isang call center), nag-log in ako. Matagal-tagal na rin akong naghihintay sa ikalawang tawag ko. Katatapos lang ng isa. Madali lang ang problema niya; ni-reset lang namin ang modem niya, tapos, connected na siya. Hindi sa pagmamayabang, pero kalahati ng mga tawag ko rito, ganoon at ganoon na lang ang solusyon. Hindi ito maganda.

Kung tutuusin, bawal ang ginagawa ko. Bawal ang mag-surf, bawal ang gumamit ng Yahoo Messenger. Pero naka-chat ko si Javie kani-kanina lang. Sayang at hindi ako nakapunta sa poetry reading nila noong Biyernes. Sayang at hindi ko nakasama sina Aaron at Mikael at Nunuy sa Meatshop. Kung nakasama ako, e di sana nakainuman ko si Dong Abay. Konswelo ko na lang, nakainuman ko na rin sa Easy Street ang saxophonist ni Freddie Aguilar.

Ewan ko, pero sa ngayon, sinusukat ko ang oras sa pamamagitan ng mga tawag at ng panahong lumilipas sa pagitan ng mga inuman. Pero hindi na rin ako magtatagal dito; ipinasa ko na sa TL ko (team leader, pangngalan. bisor.) ang resignation letter ko. Pitong araw na lang, hindi ko na kakailanganging gumising nang alas-tres y medya ng madaling-araw araw-araw, kasama na ang sabado at linggo. Ang problema, sa Makati naman ang lilipatan kong trabaho.

Dati pa ako mahilig magbasa ng kung anu-ano habang nagbabawas. Lahat binabasa ko, mapa-kahon man ito ng sabon o sachet ng shampoo. Lagi kong nakikita: Manufactured by Procter and Gamble Phils. 6750 Ayala Avenue, Makati City. Noong kolehiyo ako, sinumpa kong hinding-hindi ako magtatrabaho sa Makati, lalo na sa hinayupak na 6750 na iyon.

Pero noong nakaraang dalawang buwan, pabalik-balik ako sa 6750. Nagpasa kasi ako ng resume sa isang kumpanya ng kompyuter sa Libis noong linggo pagkatapos ng Mahal na Araw. Akala ko, doon ako sa Libis magtatrabaho, malapit sa mga kaibigan ko sa eTel. Pumasa naman ako sa exam. Sabi ng HR ng kumpanya sa akin, tatawagan daw nila ako after three weeks. Tatlong buwan ang dumaan. Umibig ako, nasaktan, umibig muli, nawalan ng libog ang mga tula ko, tumugtog sa piyesta, namatayan ng lolo (sumalangit nawa), nagkaroon ng trabaho, uminom nang uminonm nang uminom, lahat-lahat na. Hindi ko inaasahan ang tawag sa cellphone ko. Sabi ng 'Kanang nasa kabilang linya, pumunta ako sa 6750 kinabukasan, may interbyu ako. Tinanong niya kung marunong pa rin akong magsalita sa wikang Kastila. Sagot ko, subukan namin; noong kinausap niya ko, wala na akong ibang masagot kundi "Yo no comprendo! No comprendo!"

Ang nangyari, sa ibang program ako ipinasok. Pero ibang kuwento na iyon; may caller ako, at medyo mahirap ang problema niya. Hindi ko ito gusto.

Linggo, ika-22 ng Agosto 2004
01:13 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Abiso sa nagmamarunong

Nanlulumo ako sa iyo, Patricia Evangelista.

Nanlulumo ako dahil... marami naman talagang dahilang manlumo. Nanlulumo ako dahil isa ako sa mga binansagan mo sa kolum mo ngayon bilang "spoiled brat." Nanlulumo ako dahil ang napakatalino mo pa naman, at kaya namang mag-isip para sa sarili.

Higit akong nanlulumo dahil taga-U.P. ka.

Mabuti sana kung isang Atenista o Lasalyano ang sumulat. O kahit man lang Tomasino, kung pagbabasehan mo ang mga inilalathala sa Varsitarian. Sanay na ako sa pagbabansag nila sa amin bilang "spoiled brat", o "mindless". Nakapanlulumo man, sanay na rin ako dahil alam kong kakaunti lang ang aktibista sa mga hanay nila -- madaling sabihing "iba" sila; madaling sabihing "iba" ang iniisip nila. Hindi na nila kailangan ang aktibismo -- burgis kasi ang karamihan, at hindi agad kinakagat ng kahirapan.

Pero ikaw, isang taga-U.P., isang Iskolar ng Bayan, sinasabing "spoiled brat" ang mga aktibista? Kahambal-hambal! Dati-rati, tinatanong ako ng mga kaklase kong walang alam tungkol sa ginagawa ko: "Jonar, bakit wala ka sa U.P.?" Lagi kong sinasagot, "'Yang mga taga-U.P., mulat na; kaya na nilang iligtas ang sarili nila. Ang Ateneo, kailangan ang mga katulad namin." Messianic nga ang dating, kung tutuusin, ngunit totoo. Laging binabatikos ang Ateneo bilang elitista, na sadyang totoo nga. May kaibigan akong ubod ng talino. "Progresibo" ang tingin sa sarili, pero laging ibinabandila ang elitismo ng Ateneo: "This is what sets us apart from the others!"

Kaya lalo akong nanlulumo. Nasa piling ka ng mga nakaaalam, ngunit may piring pa rin ang iyong mata. Lahat ng uri ng tao'y nakakasalamuha mo, pero naroon ka pa rin sa burgesyang uri ng pag-iisip. Para sa iyo, ang pinakamalaking problema ng bansa ay ang mga naglipanang OFW sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Oo nga't malaking suliranin din iyon, ngunit lingid sa inaakala mong alam mo na, may ugat pa ito. Kahirapan? Siguro. Kawalan ng hanapbuhay? Baka. Masamang uri ng pulitikang umiiral sa bansa? Marahil. Elitismo? Burukrata-kapitalismo? Pyudalismo? Imperyalismo? Oo, Patricia, lahat ng ito, at higit pa.

Hindi kami humihingi ng madaliang "overnight" na pagbabago. Ang hinihiling lang namin ay ang pagbuwag ng mga institusyong TATLONG DAANG TAON nang umiiral, at itinataguyod. Tatlong daang taon. Kay tagal na panahon. Tatlong daang taon nang lumalaban sina Gabriela, sina Andres, sina Joma, sina Emman. Si Eden. Ang mga pinagpapapatay ni Palparan sa Mindoro. Hindi "overnight change" ang hinihingi nila, kundi "overdue change." Oo, Patricia, napakatagal na naming nag-aabang.

Pansinin: bakit tinaasan ang sahod ng mga sundalo habang ang mga gurong naglilingkod tuwing halalan ay ganoon pa rin ang sahod? Bakit napakaraming sundalo ang nagpatrolyo sa Batasan noong Lunes habang nakapatay ang mga ilaw sa mga paaralang pampubliko ng Pasig? Bakit nangangahas tayong magpadala ng mga sundalo sa Iraq habang ang kailangan naman talaga doon ay mga guro, mga inhinyero, mga doktor? Bakit may golf course ang AFP sa Camp Aguinaldo habang si Mrs. Viernes ay nagtuturo sa C.R. na nilagyan ng mesa, upuan, pisara, at yeso? Kalimutan na ang pambura sa pisara; kung minsa'y guro pa mismo ang nag-aabono para sa buburahin nila.

Hindi naman siguro pagiging "spoiled" ang paghingi ng karagdagang pondo para sa edukasyon. At lalo na ang paghingi ng karagdagang badyet para sa U.P. Mong Mahal. Higit isang dekada na ang nagdaan noong nagreklamo sina Dong at Eric: "Bulok ang facilities / sa State University." Hanggang ngayon, sira pa rin ang mga inidoro sa Vinzons Hall. Nasubukan mo na bang dumalaw doon? O baka natatakot ka lang na baka makagat ka ng mga aktibistang naliligo sa sarili nilang pawis? Tao rin naman sila, Patricia. Wala man lang Galant ang mga magulang nila tulad ng tatay mong ginamit ang kotse niya upang harangin ang mga sundalo sa EDSA, tao pa rin sila. O baka nasanay ka na sa pare-parehong mukhang nakikita mo sa napakakitid mong mundo?

Kung may Galant rin sana ang erpat ko. Kung burgesya rin sana ako. Kung mayaman pa sana ako kaysa karamihan ng nag-aaral sa pamantasan ko. Pero hindi, Patricia; wala ka pang alam. Tama na muna ang pakikipagtsikahan sa mga kasama mo sa Debate Society, kina Krip, sa mga kaklase mo sa Holy Spirit; subukan mo namang makipag-usap nang masinsinan at bukas ang isip sa isang tibak. Huwag lang ako. Baka mamaya'y kung ano pa ang magawa ko sa iyo.

Tama na, Patricia. Hubarin ang piring na pilit mong pinapanatiling nakatakip sa mga sarado mong mata.

Biyernes, ika-29 ng Hulyo 2004
03:35 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
On English, from a clean, well-lighted place

In the call center I work in, the management is hard-pressed to implement some sort of an "English-only" policy. I do not know if it's just for the visiting US-based managers or whatnot, but I do know that it's ostensibly for developing fluency in the language, and for us to avoid using "Filipinisms" when taking in calls.

The funny thing is, even the team leaders speak Filipino, or at least a bastardization of it. The reason behind this is "Pinoy naman tayo, bakit tayo mag-i-Ingles?". Which is a far cry from what I saw just an hour (pronounced AE-wer) ago, when I was having a smoke at one of the tables outside a Fairview coffe shop. There was this girl who didn't even look like she has spent a day in the U.S. of A., and she was speaking (badly-corrupted) English with a twang. And yes, even Filipino with a Californian accent.

Which brings me to the next topic: the school which I defended a year ago (See my archived entry "Tungkol sa mga bansag") has given me yet another reason to be angsty. Like what my friend Aaron said, the biggest thing over the past weekend was Ateneo's come-from-behind victory over La Salle. This at a time when everyone was giving everyone else a piece of his/her mind about Angelo dela Cruz, and what to do with our (pronounced OWR) troops in Iraq. But then again, Jay Leno has put his own twist into the story: he claims that P. Diddy has a posse larger than the Philippine (humanitarian) contingent. Headed by the less-than-humanitarian Jovito Palparan, that butcher of activists in Mindoro, no less.

The thing is, people criticize Ateneans for being apathetic, yet these same critics want them to remain elitist. Those two traits are one and the same. One cannot separate elitism and apathy, for these two come from the same root. There have been attempts, albeit (a)pathetic, to shed the image. Case in point: EDSA 3, when Ateneans gathered in front of Starbucks, flashing placards saying "DO NOT FOMENT A CLASS WAR!" And as I've always believed, class struggle has always been there since the day agriculture was invented and will always be there as long as there are classes. Now that Angelo dela Cruz has been released and is on his way back to Mexico, Pampanga, people are coming up with the most inane "Band-Aid" solutions to the immediate problem: scholarships for Angelo's children courtesy of Jamby Madrigal, a plot of land courtesy of Pag-ibig. We have a band-aid for every wound, but not a cure for the festering cancer inside.

The problem with all this is that people have been looking for too long at personalities while losing focus on the greater scheme of things. The landlords who send their children to (and themselves went to) the Top Three Schools coldn't and wouldn't care less if an Angelo dela Cruz is forced out of the country everyday, if only to repay his family's land debt.

Ateneans, LaSallians, yes, even State U scholars all share the same blood debt they owe to the struggling masses. We are the people who go to immersions flaunting cellphones with cameras, even if there are no cellsites in the rural areas. We are the people who write poetry about indivual alienation, even as a whole segment of the population is being alienated and orientalized by the media. We are the people who laugh at our countrymen's bad English, while we turn a blind eye to an education budget that is deflating faster than a balloon with twenty pinpricks in it. We are the people who go to coffee shops and talk politics and brand activists as mindless, while we ourselves are even more mindless for not striving to know the poor.

Yes, we are the bourgeoisie. We speak badly-corrupted English, while pretending not to know the language of the masses. A language made up of the words "hunger", "oppression", and "ignorance".

We are the ignorant pretending to be the intelligentsia.

Lunes, ika-18 ng Hulyo 2004
03:37 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Sa Bok Ng Buhay Ko,

Kumusta ka na? Sana, gising ka na ngayon. Dinalaw kita kanina. Tinulugan mo lang ako. Hindi naman kita masisisi; malakas nga ang impact ng L-200 na iyon sa iyo, at ng pagtama mo sa lupa. Pero napansin kong wala na ang swero mo. Kung saan nakakabit kahapon ang dextrose, meron na lang natirang bulak. Hinawakan ko ang kamay mo. Malamig. Nagpupumiglas ang mga mata mo mula sa pagkapikit. May hinahanap ka ba kanina? Sino? Ano? Nandoon naman sina Tita Nora, si Rainier. Pati ang Auntie at Uncle mo.

Pasensya na kung ngayon ko lang ito naisulat. Kanina, pagkauwi ko sa galing sa ospital, sinubukan kong matulog. Sinubukan kong isulat ang lahat ng nagdaan sa mga nakaraang araw: kung paano ako biglang kinabahan noong alas-onse y medya na at wala pa akong natatanggap na text galing sa iyong nagsasabing nakauwi ka na. 'Yun pala, sabi ng babaeng nagnakaw ng cellphone mo noong dinala ka nila sa ospital, nasa Fatima ka na. Kung paano ako naglakad nang malayo mula Doroteo Jose hanggang Masangkay at nanibago sa kung paano naghahalo ang Kristiyanismo at Budhismo. Kung paano ako sumakay sa LRT at nakita ang sementeryo ng mga Intsik sa bandang R. Papa. Ang gagara ng mga mausoleo. Gawa sa marmol, pero walang dumadalaw. Natatakpan na ng mga damo at baging. At kung paano ko nakita sa Monumento ang nanay-nanayan ko noong nag-imersyon kami sa Sangandaan na ngayo'y nagtitinda pa rin ng diyaryo sa istasyon ng LRT doon. Matagal ko na siyang hindi nakita. Nakikilala pa pala niya ako. Lahat ng iyon, at marami pa.

Ang sarap sanang ikuwento sa iyo ng mga ito. Pero hindi ako siguradong maririnig mo ako. Tulog ka buong maghapon. Nandoon ang mga magulang mo. Sino ba naman ako para hawakan ang kamay mo at makisiksik pa sa kanila? Sino ba naman ako upang haplus-haplusin ang buhok mo't bumulong sa iyo?

Kahapon, narinig ko ang usapan ng tito at tita mo. Pinag-uusasapan nila ako. "Textmate yata," sabi ng tito mo. Tumango lang ang asawa niya.

Pero sa ngayon, kailangan ko munang tapusin ang kwento. May interview pa ako mamaya, pagkatapos ng shift ko rito. Baka kung saan ako madestino. Balita ko, sa Scotland yata. Isang buwan. Kay habang panahong hindi kita makikita. Kung tutuusin, sanay na ako sa ganoon. Pero ngayon, hindi ko alam kung ano ang mas masakit, kung iyon o itong kalagayan nating nakikita kita araw-araw pero hindi naman nakakasama talaga.

Hinawakan ko ulit ang kamay mo bago ako umuwi. Hinawakan mo rin ang kamay ko, at hinigpitan mo. Nakita ko na naman ang mata mong nagpupumiglas laban sa pagkapikit. Naramdamam ko kanina, kakayanin mo ito. Ikaw pa. Sa tibay mong iyan. Kakayanin mo iyan, bok ng buhay ko. Ipagdarasal kita. At alam kong madami pang ibang magdarasal para sa paggaling mo.



Thursday, July 8, 2004
02:04 a.m. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Tapos na ang bagyo

Wala na si Igme sa Pilipinas. Nahuli na sa Elly Pamatong. Hindi pala bomb threat, kundi naputol na kawad lang, ang dahilan ng paglalakad ng mga tao sa riles ng MRT mula Guadalupe hanggang Boni. Sinabi na ng CHR na mali ang ginawang dispersal ng mga pro-FPJ sa Welcome Rotonda (pero hindi ako pro-FPJ). Tapos na ang gulo sa team namin sa trabaho. Nagawan na ng paraan ang problema ng koro ko. Umaaraw sa labas. Wala nang langgam sa kama ko. Gawa na naman ang PC ko, ay may Ethernet adapter pa.

Ngunit mas mababa ang sweldo ko kaysa inaasahan. Hindi pa rin naisasatupad ang ganap na repormang agraryo. Detente pa rin ang usapan sa Oslo sa pagitan ng GRP at CPP. Marhinalisado pa rin ang karamihan sa mga kababayan natin. Biglang nawala sa Blue Eagles si BJ Manalo at plano pa yatang mag-artista.

Gayunpaman, hindi nga pala talaga aalis ang Bok ng Buhay Ko. Asteeeeeg.

Biyernes, ika-2 ng Hulyo 2004
08:48 n.u.. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Hapon na nga, pero mukhang hindi

Natutulog dapat ako ngayon. Dapat.

Pero heto, nandito na naman ako sa Read and Brew. Walang katao-tao, ako lang at iilang estudyante sa FEU Med na hindi ko man lang alam ang pangalan. At wala akong planong kilalanin sila. Hindi ako makatulog. Maingay sa bahay. Si Kuya, naglalaro ng NBA Live. Si Tina, inaaway ni Mai-I habang nanonood ng panunumpa ni GMA. Si Mai-I, inaaway si Tina dahil gusto niyang maglaro sa second-hand na Family Computer na binili ni Kuya. Si Jonar, wala.

Kanina, paglabas ko sa bahay, malakas ang hangin. Nananalasa kasi ang bagyong "Igme" sa labas. Walang ulan, pero malamig. Parang madaling-araw kanina, habang naglalakad ako sa Ortigas.

Kagabi, nag-text sa akin si Bok ng Buhay Ko. Mamamaalam na raw siya. Kesyo aalis na siya, pupunta sa malayo. Wala naman akong magawa. Magkita raw kami ngayong hapon. Pumayag naman ako. Sabi niya, biro lang. Aalis nga siya, pero hindi pa ngayon. Matagal pa. Kanina, tinawagan ko. ngayon, alam ko na kung bakit siya mamamaalam. Pero saka na muna iyon, kapag nasabi na niya nang buo ang gusto niyang sabihin.

Kung bakit pa kasi itinago niya ang gusto niyang sabihin. Lagi na lang.

Sa bahay, kanina pa natapos manood ng panunumpa ni GMA si Tina. Wala akong pakialam. Hindi ko siya ibinoto. Babasahin ko na lang sa diyaryo bukas. Saka na ako gagawa ng reaksyon. Magwa-wallow muna ako sa tuwa, o sa lungkot. Ano man ang ibig sabihin ng mga iyon. Ubos na ang kape. Nahilo na sa yosi. Kailangang matulog. Maaga ang alis ko. Magkikita pa kami ng Bok ng Buhay Ko. Bumibigat na ang mata. Heto na, heto na, heto na... sige.

PLUGGING! PLUGGING!

Inaaanyayahan ang lahat ng mga taga-Fairview area na tumambay sa Read and Brew Coffee, sa kanto ng Rado at Omega. Mayroon din akong itinayong newsletter doon, ang THE OMEGA POINT. Welkam ang mga kontribusyon, mapa-tula man, o kuwento, Ingles man o Filipino. I-email na lang ninyo ako sa jonar_sabilano@hotmail.com o di kaya'y mag-text sa (0917) 9621354. Salamat.

Miyerkules, ika-30 ng Hunyo 2004
01:46 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Patakas na isinulat habang nagte-training sa midnight shift, sa isang gusali sa Ortigas

Bilang tugon kay Aaron, tungkol kay Patricia Evangelista:

Kung tutuusin, napaka-tipikal ng speech ni Patricia Evangelista. Mga OFW Bilang Bagong Bayani, ad nauseaum. Tama nga siya: nagtatrabaho ang tita ko sa Bahrain, at kalahati ng angkang Sabilano ay nasa Missisauga, Ontario, Canada. Alam ko ang nararanasan nila sa pang-araw-araw na buhay.

Pero ayaw ko muna silang pag-usapan. Masyado na kasing gasgas ang paksang iyon. Heto ang paksa ko: "MGA DAYUHAN SA SARILING BANSA". (hebigat, ano?)

Ganito kasi: sa isang call center kasi ako nagtatrabaho. Iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko: mga konyong bobo sa Ingles, mga konyong magaling sa Ingles, mga di-masyadong mayayamang magaling mag-Ingles, mga Jaguar na nagpupumilit mag-Ingles dahil kailangan, mga 'Kanong nahuhuli minsang nagsasalita sa wikang Filipino, atbp.

Nagkuwento ang trainer ko dati. Sabi niya, minsan siyang tumira sa Tate at nagtrabaho sa isang resort. Marami raw siyang nakatagpong mga kostumer na kayumanggi at mukhang Pilipino, pero kung tanungin naman ay ipinagkakaila ang kanilang pagiging Pinoy.

Kung tutuusin, dito rin sa Pilipinas, maraming ganoon. Ganito. Hinatid namin si Nonoy sa kanyang apartment sa Las Piñas. Nagtuturo na kasi siya ngayon ng Ingles sa La Salle Zobel, kung saan makikita ang mga PINAKA-konyong tao sa Pilipinas. Mabuti na lang at Afro-Asian Lit ang asignaturang itinuturo niya, kung hindi, tablado na siya sa akin. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko kung pinagturo siya ng accent neutralization, dahil alam kong hindi na iyon kailangan ng mga estudyante niya. Kung tutuusin, marunong na rin si Mai-I ng pagsasalita nang may Twang. Yah know...

Dito rin sa call center namin. Bawal mag-Filipino tuwing nasa loob kami ng building, kasama na ang elevator. At lalo na kung may kasabay na Kano. Pababa man o pataas. May mga walang twang na may laman naman ang sinasabi, may ilan ding may twang pero puro kabulsyetan ang sinasabi. Mabuti na lang at wala akong twang. At least hindi ako magmumukhang gago kung kabulsyetan ang sinabi ko.

Feeling ko nga, kabulsyetan ito. Sobra lang siguro ako sa kape. Bawal pumasok sa Friendster o i-tsek ang e-mail ko. Madaming bawal. Nakikita ko ang Poveda sa baba. Dapat, 'yun ang ipagbawal.

At oo nga pala, may isa pa akong hindi natatapos na tula. Ise-share ko muna sa inyo, habang mainit pa. Patikim lang, 'ika nga.

Nakasulat sa kanto ng Ortigas at EDSA

Abang Ginoong Maria
nilang nasa Geneva ang alkansya
ang mga kalapating tanso'y sumasaiyo;
bukod kang kinawawa sa babaeng lahat
at kinawawa rin naman ang anak mong si Juan de la Cruz.
Santa Maria ng mga walang Diyos,
ipanalangin mo silang may kasalanan
ngayong kami'y nangamamatay. Siya nawa.



Biyernes, ika-25 ng Hunyo 2004
01:26 n.u. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Pahimakas sa halalan, at sa tag-araw

Aba, oo, maganda nga ang panahong ito upang maging isang Pinoy.

Noong nakaraang linggo, may isang nagngangalang Didagen Dilangalen ang sumira ng daloy ng mga talkayan sa Kongreso. Ito, matapos siyang sabihan ng "ShiyERRRRRAP!" ng isang taga-suporta ni La Glorietta.

Hindi ko na ngayon alam kung sino'ng paniniwalaan ko. Ang hirap kasing pumanig ngayon, lalo na't ang K-4 at ang KNP ay nagpapalitan ng suntok, suplex, konyat, at sungkit sa ilong. Ngayon, kahit ang Simbahan ay nagsasabing walang dayaang nangyari noong eleksyon. Maaaring totoong hindi gaano laganap ang dayaan noong araw ng eleksyon -- mga ninakaw na balota, mga flying voters et al. -- ngunit hindi maikakailang may nangyaring dayaan BAGO pa man dumating ang eleksyon:

1) Una, ang pangangakong hindi na muli tatakbo -- at ang paglabag ng pangakong ito -- ni La Glorietta. Pero kung tutuusin, hindi na ako nagulat noong nangyari iyon, sapagkat

2) Nangangampanya na siya simula pa noong natuntong siya sa puwesto. Halimabawa, ang mga PhilHealth card. At hindi lamang si La Glorietta ang guilty rito; kahit sina Lacson, at Jinggoy, at FPJ ay hindi walang-bahid. Si Brother Eddie lang siguro ang wala niyon, pero huli na ang lahat noong nailunsad niya ang kanyang kampanya.

3) Ang lantarang pang-aabuso ng militar sa mga organisador ng mga progresibong partido, lalo na ang ginagawa ni Norberto Gonzales. May basbas ba ng PDSP at ni Padre Intengan ang mga ginagawa niya?

At heto pa: bukas, magdadalawang linggo na ako sa call center na pinapasukan ko. Hindi ko maiwasang ipaghambing ang eTelecare at ang bago kong kumpanya, lalo na ang mga tao. Una, puro mga taga-Ateneo, La Salle, at UP ang mga kasama ko sa eTel. Sa bago kong kumpanya, ako lang ang Atenista; iilan lang ang galing sa mga eskuwelang konyo. Kaya hindi ako masyadong na-culture shock sa mga katrabaho ko. Kung tutuusin, dahil nga ako ang may karanasan sa industriyang iyon, nakakatulong pa ako sa kanila. Mabuti na lang at mula pa noong bata pa ako'y kabisado ko na ang mga kabisera ng mga estado ng U.S.

Ang nakakabanas nga lang, alas-singko ang pasok ko. Hindi hapon, kundi madaling-araw.

Dahil dito'y nababawasan ang pagtambay ko sa Read & Brew, ang pag-i-internet ko, ang paglalaro ng NBA Live, at ang pakikipag-usap sa Bok Ng Buhay Ko. Alas-dos y medya kasi ang gising ko, kaya napipilitan akong matulog bago pumatak ang alas-nuwebe. Kaya ngayon, hanggang text na lang kami ng Bok Ng Buhay Ko; minsan, wala pang sagutan dahil may pasok na sa eskuwela niya. Sayang at hindi man lang natuloy ang mga plano kong ito:

1) Pumunta sa Dangwa at bilhan ng bulaklak ang isa't isa. Noong Abril pa namin pinag-usapan iyon.

2) Pumunta sa Anilao at panoorin ang paglubog ng araw at ang pagsikat ng buwan.

3) Tugtugan siya habang nakatambay sa dalampasigan.

4) Bigkasan siya ng tula habang nakatambay sa dalampasigan.

5) Sumulat ng mga bagong tula, lalo na ng mga tulang pag-ibig para sa Kanya.

6) Humiga sa buhangin at panoorin ang mga pagbabago ng anyo ng mga ulap sa kalangitan.

7) Kumain ng cotton candy habang nakahiga sa buhangin.

8) Maghanap ng mga alitaptap habang naglalakad sa dilim.

Haay, Bok Ng Buhay Ko. Kailan kaya matutupad ang mga pangarap natin? May "tayo" nga ba? Hindi ko alam, hindi ko alam. Basta, ang alam ko lang ay nakikita ko siya sa paglubog ng araw, sa pagsikat ng buwan, sa mga pabago-bagong anyo ng mga ulap na natatanaw ko mula sa durungawan ko sa ika-6 na palapag ng Insular Building. Sapagkat hindi lang niya alam, hinahanap-hanap ko na at pa rin siya.



Huwebes, ika-3 ng Hunyo, 2004
08:20 n.g. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Para sa mga hindi nababalitaan (at tatlong bagong tula)

PASENSYA na kung hindi na ako gaanong nakaka-update. Busy na kasi. Nagkaroon na rin ako sa wakas ng matinong trabaho. Ang problema nga lang, sa Ayala Avenue ang opisina. At hindi lang iyon; alas-singko pa ng umaga ang pasok ko. Araw-araw, alas-dos ang gising ko. Maaga naman ang uwi, pero laging may inuutos, o di kaya'y masyadong mainit para makatulog.

Pero sa wakas, bumalik na naman ang "poetic self" ko. Heto ang tatlong bagong gawa.

Antipara

Mali na siguro ang grado
ng antipara ko.

Ilang beses ko mang linisin ang lente,
hindi pa rin ako makakita nang mabuti.

Ipikit ko man nang mahigpit ang aking mata,
ikaw at ikaw pa rin ang aking nakikita.

Sa kanto ng Ayala at Paseo de Roxas
(pasintabi kay Ginsberg)

At ikaw, Eman, ano’ng ginagawa mo rito sa Ayala, kasama ng mga naka-kurbata, naka-bimpo, nakahubo? Naghahanap ka rin ba ng sigarilyong kalasag laban sa ginaw ng alas-singko? O, bitawan mo ang M-16 mo, natatakot ako: baka paputukan tayo ng mga guwardiyang nasa likod ng pintong salamin!

At inakala naming wala ka nang lugar sa mundo ng mga buhay! Hindi ba ang mga buto mo’y nakalibig sa Pateros at ang puso mo sa Tagum? Ano ngayon, kung gayon ang ginagawa mo rito sa Ayala, sa pook na hindi kailanman nawawala sa mga anino ng mga gusali? Nakita kita kanina, sa kanto ng Paseo at Ayala, kausap si Ninoy Aquino. Lugar niya ito, Eman; kahit nga ang Mandaluyong mo’y nasakop na rin ng kapwa niyang pambansang burgesya, ng mga kumprador; ano at sino pa ba ang mapupukaw mo mula sa pagkahimbing ng graveyard shift?

Siguradong hindi ang guwardiya sa Insular,ang nagbabantay sa ATM; makatitiyak kang puyat na siya’t nag-aabang ng karelyebo.
Siguradong hindi ang operator sa call center; ang katawan niya’y narito, ngunit ang isip niya’y nasa ibang bansa.
Siguradong hindi si Ninoy na kausap mo ngayon sa kantol pumapanaog pa lang siya sa eroplano’t didiretso sa Tarlac, upang bantayan ang hacienda ni Peping Cojuangco.

Ah, alam ko na, Ka Popoy Dakuykoy; heto siya’t naglalakad, tumatawid sa kalsada sapagkat sarado pa ang underpass. Kasabay niyang pumasok ang araw na nagtatangkang magsabog ng liwanag sa mundo, ngunit gumagawa lang ng anino.

Magmamanman ka pa ba rito’t may daliring nakalapat sa gatilyo, sa panahong ang mga gusaling ito’y nagsa-abo, na ang semento’y natakpan na ng damo, na ang araw ay magiging mata ni Philip Angeles na ostiya sa misang madaling-araw na liwanag na walang kasamang anino?

Panginoon at Tagapagligtas kong Hesukristo, ano’ng eksena ito.

Substitutes

It was drizzling outside when I visited you on your first Friday night at your apartment, the first place you lived in since you got out of college and moved out of the dorm. There was a mangy mongrel by the door. You took the Hershey’s chocolate bar I gave you, broke it in half, and beckoned to your dog to come, saying, “Here, Fifi, Fifi!” I reminded you that chocolate is bad for a dog’s health, and you told me that you fed her chocolate birthday cake when you first moved in. Maybe it wasn’t real chocolate powder that was in the cake, I hypothesized; maybe it was carob, a baker’s substitute. You smirked at me, bit into the broken chocolate bar, and looked into my eyes. You swore that when you finally have a poodle, you’ll feed her Hershey’s bars everyday for the rest of her life. Outside, the streetlights filled in for the moon that never showed up.

'YUN NA muna. Marami pa sana akong ikukuwento, pero gagamitin na ni Tina ang telepono. At maghahanap pa ako ng maisusuot bukas dahil dinala ni Nonoy sa kanyang apartment ang lahat ng polo shirt dito. Buwakanangina kasi, e. Kung bakit pa kasi malaki pa ang kita niya sa akin. Kung bakit kinailangan pa niyang magturo sa Alabang. Pero hindi bale na, medyo masaya pa rin ako ngayon. Peksman.

Linggo, ika-30 ng Mayo 2004
11:23 n.u. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Huling hantungan, balik sa nakaraan

Kakaiba talaga ang naging resulta ng nangyari kay Daddy. Una, dumagsa ang mga mensaheng "condolence" mula sa mga kaibigan ko. Ikalawa, nakainuman ko na rin sa wakas si Tatay at ang mga bayaw niya, kahit isang beer lang. Ikatlo, bumalik ako sa aking kabataan.

Ikukuwento ko ang #2 at #3. Pero bago ang lahat, nagpapasalamat ako sa lahat ng nakiramay. Hindi ninyo alam kung gaano ninyo pinagaan ang loob ko.

#2: Nakainuman ko na rin sa wakas si Tatay. Noon kasi, ayaw na ayaw niyang umiinom ako. Kahit noong kaarawan niya noong isang linggo, hindi kami magkasalo sa isang mesa. Sa pagkakataong ito, kagabi, napilitan ako. Pero masaya naman. Kung hindi lang sa puna ng lola ko, ayos na sana.

#3: Nagsimba ako sa simbahan ng Urduja. Iyon ang tinutukoy kong simbahan sa burol sa isang blog entry ko noon. Kagabi, puro mga matatanda ang nagsisimba. Tinapalan na ng stained glass ang mga pader nitong gawa dati sa mga rehas na bakal. Mainit. Naroon pa rin ang C.R. Nalalambungan ng mga puno ang tanawin sa kalayuan. Pagbaba ko papunta sa burol ni Daddy, lalo akong nalungkot.

Biyernes, ika-14 ng Mayo 2004
02:14 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Sa alaala ni Leonardo G. Ancheta (1922-2004)

Namatay si Daddy noong madaling-araw kahapon, sa edad na 81. Noong umaga ng Huwebes, nadulas siya sa banyo, natabig ang kalderong punong-puno ng kumukulong tubig, nabanlian, nalapnos. Isinugod sa FEU Hospital. Pagdating roon, kuwento ni Mommy kagabi habang inaabangan namin ang pagdating ng ataul sa nirentahan naming chapel malapit sa nasunog naming bahay, mataas na ang presyon ng dugo niya: 180/110. Akala ko, high blood lang. Nasa lahi kasi ng angkang Ancheta ang sakit sa puso. 'Yun pala, massive heart attack na ang nangyari. Kahapon, tumawag sa Mommy: "Anak, punta ka sa FEU, tumawag sila, sabi nila, hindi na raw maganda ang kalagayan ni Daddy mo." Maya-maya, tumawag naman sa cellphone ni Tina si Uncle Noel. Umiiyak siya. Dahil walang pumapasadang traysikel noong oras na iyon, napilitan kaming maglakad mula bahay hanggang ospital. Maginaw noon. Kakatapos lang kasi ng ulan.

Pagdating namin doon, naghihingalo na si Daddy. Halos flat-line na ang nasa ECG. Lumabas ako sandali at nakasalubong si Tita Bles. Sabi niya, tatawagan na niya ang insurance company ni Daddy. Pagbalik ko sa loob ng kuwarto, tinanggal na ang mga tubo sa bibig niya; binabalutan na ang kanyang mukha ng kung ano mang iyong magsasara ng kanyang bibig. Sabi ni Ryan, ang kaibigan ni Kuya na estudyante sa FEU Med, ibig sabihin niyon, wala na siya.

Wala na siya. Ang nag-iisang lolong naabutan ko. Kapag ako'y naging lolo rin, ikukuwento kita sa mga apo ko: kung paano, sa edad na 70, ay nagbibisikleta ka paikot sa Urduja, nagbubungkal ng lupa, nagtatanggal ng mga batong nakabara sa mga kanal; kung paano ka nagpakatatag noong nawala si Nanay; kung paano, sa edad na kung kaila'y dapat ka nang nagpapakasasa sa pagkaretiro, ay nagtatrabaho ka pa rin, pumaparoo't parito sa Kalookan, sa Marikina. At ngayon, sa kung saan man. Sa papawirin.



Lunes, ika-10 ng Mayo 2004
11:07 n.u. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Pipilitin kong hindi magpaka-pulitiko ngayon. Pramis.

PAUNAWA: ang orihinal na pamagat (at paksa) ng blog entry na ito ay "Putang ina mo, Norberto Gonzales." Pero saka na siguro, kapag nanalo na ang ANAK ng BAYAN sa halalan.

PLUGGING: MALIGAYANG BATI sa MATANGLAWIN, ang opisyal na pahayagang Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila, sa nakamit nitong "Grand Slam" sa Gawad Ernesto Rodriguez, Jr. na idinaos sa Cebu noong nakaraang linggo. Nagwagi ang Matanglawin sa mga kategoryang "Best Magazine" (ikatlong sunod-sunod na taong napanalunan ito) at "Best Alternative Form" para sa website nitong www.matanglawin.org. Magpapainom nga pala ako sa mga kasapi ng Matanglawin noong nakaraang taon. Wala pang mga detalye, pero malamang na idadaos ito matapos ang summer classes. HETO'NG SA KUWATRO!

PETIKS, pangngalan. Isang kalagayan kung saan wala kang ginagawa sa buhay mo, at walang ibang ginagawa kundi mag-abang ng maaaring gawin.

Hindi ko gusto ang ganitong buhay. Namamaga ang kaliwa kong panga dahil sa buwakananginang wisdom tooth na ito. Sobrang laki ng pamamaga. Noong unang gig ng BLACK SESSION noong Biyernes, hiniritan pa ako ng kantatero naming si Deo (aka Mojacko), "Tingnan niyo nga 'yang si Jonar, parang sinuntok sa panga!"

Mabuti sana kung ganoon talaga. Macho pa sana ang dating ko. Pero hindi, ngipin lang pala ang katapat ko.

Eksena kahapon: kasama ko si Diane, isang kaibigang taga-U.P. Tumambay muna kami sa Read and Brew. Naisipan kong mag-order ng tuna sandwich. Si Diane naman, carbonara. Hindi ko nakayanan ang sandwich. Sa huli, nagpalit na lang kami ng pagkain. Mabuti na lang at mocha frappe ang kahalo niyon, at hindi mainit na kape. Bawal kasi ang mainit sa ngipin ko. Kaya habang nag-eensayo kami noong Biyernes, bugbog-sarado ang ngipin ko. Huli pang dumating si Deo kaya nahuli rin ako sa appointment ko sa dentista. Nang nakita ng dentista ang kalagayan ng ngipin ko, napailing na lang siya. Tinaasan niya ang dosage ng antibiotiko. Noong gabi naman, tiniis ko ang sakit sa tulong ng isang bote ng San Miguel (bagay na ipinagbawal sa akin ni doktora), para lamang sumaya ang mga nanonood sa gig namin.

Kinabukasan, tanghali na ako nagising. Sinubukan kong mag-connect sa Internet, pero tila sira na naman ang PC ko. Kaya pasensya na kung hindi ako makapagsulat ng blog entry, pulitikal man o hindi. Masakit kasi ang ngipin ko at sira ang internet connection ko.

Martes, ika-4 ng Mayo 2004
09:24 n.u. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Political Propagandaic Plugging

Una, ang pinakapakay ko sa blog entry na ito: Kung mahal ninyo ang inyong bayan, huwag na huwag iboto sina: 1) Gloria; 2) FPJ; at 3) Lacson.

Wala pa akong kandidato sa pagkapangulo. Malabo kasi si Roco dahil sa sakit niya, kaya baka mag-Bro. Eddie na lang ang inyong lingkod.

Pero ito ang siguradong iboboto ko sa Party-List: ang ANAK ng BAYAN Youth Party. Ito ang tanging partidong itinatag para sa at ng kabataan. Hangad nito ang ipaglaban at itaguyod ang mga karapatan ng mga kabataan, lalo na sa larangan ng edukasyon.

At sinusuportahan ng ANAK ng BAYAN ang isang kandidato sa pagka-senador, si Carlos Padilla, ama ng kabatak kong si Maye. Maganda ang record niya sa Kamara; hindi ikakahiya ang mga nagawa niya para sa kabataan.

Kaya, bumoto ng tama. Hindi ng "may tama."

Huwebes, ika-22 ng Abril 2004
04:25 p.m. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Mga sagot sa text mo, Iris...

When was the last time you saw fireflies?

Ilang beses na rin akong nakakakita ng mga alitaptap. ‘Yun nga lang, paisa-isa lang. Matagal na akong hindi nakakakita ng isang pulutong ng alitaptap.

Noong nasa Pisay pa ako, madalas akong makakita ng mga alitaptap. Noong freshman kasi ako, may isang grupo sa klase na mahilig maglakad-lakad sa kampus pagkatapos nilang maghapunan. Ang tawag nila sa sarili nila, Elite Society of Firefly-Watchers. Mga babae ang karamihan sa mga kasapi nito. May ilang bading ring kasali. Ako lang yata ang istreyt na lalaki. At dahil nga karamihan sa mga kaklase kong lalaki ay mga pa-macho effect, madalas nila kaming gaguhin. Kung tutuusin, puwede rin akong makihalo sa kanila. Power forward ang laro ko noon – sa tangkad kong 5’3”, mabilis ako at mataas ang talon. Hindi sa pagmamayabang, pero magaling rin akong magdala ng bola.

Minsan, nagkabanggaan ang mga Elite ang mga Anti-Elite. Kung bakit ba naman kasi elitista ang pangalan ng grupo namin. Sa kalaunan, naging full-blown na awayan na iyon. Umabot pa sa Paskorus Festival. Gitarista ako ng klase noon, at ang napili naming kanta ay isang medyo folk-rock ang dating. Nagkaroon ng mutiny sa klase. Hinatak ako ng isang kaibigan kong kasama sa Elite at nakiusap siyang kapain ko ang tipa ng isang kantang nagsisimula sa mga linyang “Pakinggan mo ang awit ko / Inihandog para sa ‘yo…” Hindi ko nakapa ang tipa. Itinuloy namin ang pagkanta ng Pasko ng Mahirap, Pasko ng Mayaman. Nagkamit kami ng ika-9 na puwesto – hindi nga kami nakaabot sa finals, pero kami pa rin ang pinakamataas sa lahat ng freshman sections. Kahit ‘yung mga mayayabang na tech stream, talbog sa amin.

Nagkahiwa-hiwalay ang Elite, pati ang Anti-Elite. Nabawasan ang paglalakad sa kampus matapos ang hapunan. Ilang taon rin ang lumipas. Napasali ako sa Paserelle. Natuto akong maniko habang nagdidribol.

Sa ikaapat na taon ko sa Pisay, bigla na lang nanumbalik ang pagkakaibigan. Matagal nang nalaos ang alitan sa seksyon Topaz. Nauso ang digmaang Front-Back. Bumalik ang mga paglalakad sa kampus. Lagi akong mag-isa. Lagi akong nakakakita ng kumpol-kumpol na alitaptap. Pero lagi kong hindi iniintindi. Lagi kasi akong nalululong tungkol sa pag-iisip: Sino kaya ang grad ball date ko?Magkaka-girlfriend na ba ako? Gagaling ba ang kanser ni Nanay?

Noong panahong iyon, wala nang alitaptap sa Urduja. Sabay silang nawala ni Nanay.

Muli na lang ako nakakita ng alitaptap noong lumipat na kami sa Fairview. Sa simbahan, noong isang taon, nag-eensayo ang Friends Choir. Bigla na lang ako nakakita ng alitaptap. Hinawakan ko. Ikinulong ko sa mga nakataklob kong kamay. Pero bigla kong naisip na mas kapaki-pakinabang ang isang alitaptap na malayang lumipad at dumapo kahit saan, kaysa sa kamay ng isang nagtatangkang buhayin muli ang nakaraan.


When was the last time you laid on your back just watching clouds scud across the sky?

May isang burol sa Urduja. Doon nakatayo ang simbahan ng Our Lady of Fatima. Noong Prep ako, lagi kong inaakyat ang burol na iyon. Sa isip kasi ng isang bata, mataas na ang sampung-metrong tambakan ng lupa. Ewan ko kung tambak lang talaga-iyon ng lupa – madali kasing mag-erode. Ngunit sa gilid ng burol, sa likod ng simbahan, malapit sa palaruan ng Urduja, may dalawang malalaking bato. Noong panahong iyon, hindi pa masyado madumi ang hangin sa Novaliches. Tuwing inaakyat ko ang burol, humihiga ako sa bato. Tuwing taglagas, walang dahong sagabal sa tanawin. Kitang-kita ko ang mga ulap. Sa kalayuan, ang mga bundok ng Bulacan, ang mga matataas na toreng sinasabitan ng mga high-tension wire ng Napocor mula San Miguel hanggang Kaybiga, ang kapatagan ng Meycauayan. Minsan, natatatanaw ko ang bundok Arayat. Sa gabi, maganda ang tanawin: mga ilaw sa kalayuan. Laging may naglalambingan sa batong iyon, bagay na hindi magawang itigil ni Mang James, ang sacristan mayor na nagturo sa aming mamulutan ng ostiyang hindi pa nababasbasan, at shumat ng Mompo bago magsimula ang Misa. Tuwing Bagong Taon naman, pumupunta doon ang buong pamilya, lulan ng kakarag-karag na owner-type jeep, para matakasan ang usok ng mga paputok.

Naging sakristan ako noong nasa grade four ako. Bawat Linggo, maaga akong dumarating bago magsimula ang Misa. Humihiga ako sa bato. Noon nagsimulang mangitim ang langit dahil sa usok ng mga sasakyan sa Malinta at Bagong Silang. Bawat Linggo, sinisindihan namin ang magic charcoal para sa lalagyan ng insenso. Bilang resulta, laging madumi ang uniporme ko.

Apat na taon akong napatigil sa pagsisilbi sa simbahan noong tumuntong ako sa haiskul. Nabawasan ang paghiga ko sa bato. Sa Pisay naman, laging may naglalaro ng soccer sa football field. Delikado na, baka tamaan ako ng ligaw na bola. Baka biglang tamaan ng kidlat. (ligaw na dagitab?) At napagkakamalan akong weirdo noong sinubukan kong minsan. Mag-isa lang kasi ako noon. Walang gustong sumama sa akin. ‘Yung mga gumagawa ng ganoon nang may kasamang karelasyon o barkada, cool. Kaming mga soloista, weirdo. Kaya kumuha na lang ako ng bola, at naglaro nang naglaro nang naglaro ng basketbol hanggang magsara ang dormitoryo tuwing alas-siyete. Lagi akong nakakatulog bago pumatak ang alas-diyes. Lagi kong napapaginipang nakahiga ako sa batong iyon, nanonood ng mga dumadaluyong na ulap.

Pagbalik ko sa Urduja noong ikaapat na taon, marami nang nagbago sa burol. Una, nilagyan na ng bakod ang paligid ng burol. Ikalawa, tila lumiit ang simbahan. Malamang, dahil tumangkad ako. Ikatlo, wala na ang bato. Dahil sawang-sawa na ang kura paroko sa paggamit ng mga parokyano ng C.R. ng sakristiya, nagpatayo siya ng C.R. sa lugar na kinaluluklukan dati ng bato.

Matagal na nga ang lumipas, kung tutuusin. That is, hanggang pumunta tayo sa U.P. noong Martes ng Semana Santa. Buwan ang hinahabol natin noon. Ginawa kitang unan, at pinanood natin ang mga ulap na tinatakpan ang buwan, nagbabadya ng ulang hindi naman dumating. Magkahawak tayo ng kamay. Ang ganda ng tanawin, hindi lang ng langit, kundi ng katabi kong mahal na mahal ko. Kung hindi lang sana pinagtayuan ng C.R. ang batong iyon sa isang burol sa Urduja, marahil, dinala na kita doon. Siguro, kung buhay pa si Mang James (na namatay sa kanser noong nasa Pisay pa ako), hindi niya tayo gagambalain. Pero ngayon, hanggang U.P. Sunken Garden muna tayo, kung hindi sa Bellarmine Field. Basta, hihiga muli tayo, maghahawak ng kamay, at titingin sa kalangitang matagal nang ipinagkait sa atin ng pamumuhay sa daigdig ng kulimlim at huwad na liwanag.


When was the last time you ate cotton candies?

May aaminin ako. Grade 2 pa ako huling kumain ng cotton candy.

Tuwing alas-sais, pagdating namin sa eskuwela, pinapanood namin si Manong (nakalimutan ko na ang pangalan niya, katulad ng karamihan sa mga kaklase ko noon). Mahikero si Manong – kaunting asukal, kaunting food coloring. Tapos, ilalagay niya sa makina. Parang magic: may lalabas nang bulak na kulay-rosas. Hanggang nood lang kaming magkakapatid noon. Wala kasi kaming baong pera. Laging biskwit ang kinakain namin tuwing recess. Sa mga pagkakatong binibigyan kami ng pera, tulad ng mga kaarawan, nanlilibre kami ng cotton candy. Namimgay kami.

Lumipat ako sa panghapon. Dahil pang-umaga lang si Manong, hindi ko siya naaabutan. Lumipat ako muli sa pang-umaga. Hindi ko na masyadong pinapansin ang cotton candy. Lagi kasi akong nakabaon sa mga libro, at out-of-the-way iyon sa klasrum namin.

Huli akong kumain ng cotton candy sa Sacred Heart noong graduation namin. Bago kami pumila at nagmartsa papuntang quadrangle, bumili ako. Binigyan ko ang Tropang Hilo – ako, si John Paul, si Jowell (ang inakalang bobo ng mga titser ko na nakakuha ng iskor na 91 sa NEAT), si Antonio, si AC, si Ralin. Tapos, dumiretso kami sa pila. May litrato kami, nandoon kay John Paul. Ubos na ang cotton candy noon. Suot na namin ang mga nagsisiputian naming toga.

Wala ring cotton candy sa Pisay. Sa mga pagkakataong bumabalik ako sa Sakre para dalawin ang mga kaibigan ko, lagi kong hinahanap ang cotton candy. Wala na pala si Manong. Sa dati niyang puwesto, may pocket garden na; may bagong-tayong hotdog waffle stand sa gilid na dating kinaluluklukan ng mga upuang gawa sa tubong bakal. Ang canteen na dati’y wala nang ibang ibinenta kundi barbecua at mami ay lumipat na sa gusaling dating kinaluluklukan ng klasrum namin noong grade five.

Diabetiko nga pala si Tatay. Naaawa ako sa kanya tuwing dumadaan kami sa simbahan ng Fairview at nagpapabili si Mai-I ng cotton candy sa mamang nakapuwesto malapit sa kampanaryo. Pero totoo, matagal ko nang hinahangad ang makatikim muli ng cotton candy. Ang problema nga lang, mahirap na ang buhay. Mas gugustuhin ko pang bumili ng 1) nakakabusog: sisig kina Kuya Vigie (PhP 70); 2) nakakagising: mocha frappe sa Read and Brew (PhP 60); o 3) nakakalasing: San Mig Light (depende ang presyo sa lugar).

Pero bigyan lang ako ng pagkakataon, ibibili kita ng cotton candy, bok. Tapos, maglalakad tayo sa U.P. Campus, maghahanap ng mga alitaptap. Kapag nakakita na tayo ng alitaptap, didiretso tayo sa Sunken Garden. Papanoorin natin ang mga ulap na pabago-bago ang anyo, tulad ng (tama ba?) pag-ibig natin sa isa’t isa. At siyempre, kakainin natin ang cotton candy. Hawak natin ang mga ulap na gusto nating panoorin. At oo, matamis nga pala ang mga ulap. Singtamis ng piling mo.

Bok, Iris, salamat sa mga tanong mo. Muli mong binuhay ang batang romantiko sa akin.



Wednesday, April 21, 2004
01:49 a.m. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Kung ako ay isang libro, ako'y ang...


You're Watership Down!
by Richard Adams
Though many think of you as a bit young, even childish, you're actually incredibly deep and complex. You show people the need to rethink their assumptions, and confront them on everything from how they think to where they build their houses. You might be one of the greatest people of all time. You'd be recognized as such if you weren't always talking about talking rabbits.
Take the Book Quiz at the Blue Pyramid.



Tuesday, April 13, 2004
06:23 a.m. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Hindi sa pagmamayabang, pero...

Which poem are you?

Sonnet 17 by Pablo Neruda

Aw, you're a romantic. You believe in true love and all that sort of stuff. How cute are you? To you, love is incredible and amazing.

Personality Test Results

Click Here to Take This Quiz
Brought to you by YouThink.com quizzes and personality tests.


Wednesday, April 7, 2004
01:08 p.m. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Maligayang Bate!

Rico,

Pasensya na kung ngayon lang kita nabati. Alam ko kasing ngayon lang officially nagsimula ang Araw ng Kalokohan diyan sa Tate, at matagal bago ina-update ng pitas ang mga entry ko.

Kaya, tsong, maligayang pagbabate... este, BATI. 'Yun. Sa susunod, sakaling nandito ka sa 'Pinas at naparami ka ng inom, ako naman ang hahawak ng tabo. Peksman.

Biyernes, ika-2 ng Abril 2004
05:33 n.u noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Nanay,

Pasensya na kung matagal na tayong hindi nag-uusap. Mahirap kasing kausapin ang hindi ko na nakikita. Kaya siguro hindi na ako gaano nakakasimba. Gayunpaman, sigurado kaming masaya ka kung saan ka man ngayon.

Dinalaw ka namin kanina -- ako, si Tatay, si Tina (na hindi na gaano kataba ngayon), si Nonoy (na kakagradweyt lang noong Sabado -- kailan kaya ako?), si Mai-I, at si Mommy. Pagdating namin sa puntod mo, nakita naming nadiligan na pala. Umaali-aligid ang matandang lalaking kinontrata naming maglinis ng puntod mo buong taon.

Hindi mo lang alam, Nanay, pero noong papunta pa lang kami sa sementeryo, puro mura na lang ang inabot ko kay Tatay. Kesyo kailangan ko raw sabihan si Mommy na walang kuwentang ama siya. Kesyo ikinakalat daw ni Mommy sa buong Urduja ang balita. Hindi na lang ako umimik. Alam kong wala naman akong sinasabi kay Mommy. Pero alam mo ba? Ang hirap palang manatiling tahimik kapag alam mong nasa tama ka.

Kaya nga minsan, nagtataka ako: ano ba'ng nakita mo kay Tatay at minahal mo siya? Ako, ano ba'ng hindi nakikita ng iba sa akin at hindi yata tunay na pagmamahal ang nakukuha ko? At bakit lagi na lang ako nagmamadali? Pati ang pagrorosaryo sa puntod mo, minadali ko. Kesyo si Mai-I ang namuno. Bakit ang bagal ng mga bagay kapag iba na ang gumagawa? Ito ba'y dahil sa alam kong wala akong hawak sa takbo nito't wala akong ibang magagawa kundi mag-abang nang mag-abang nang mag-abang?

Pinagmasdan ko na lang ang paligid. Hindi masyado malakas ang hangin sa Bagumbong, ngunit nahuhulog ang mga tuyong dahon. Totoo ngang laging taglagas sa Pilipinas. Ngunit ikaw, Nanay, bakit kinailangan mong malagasan nang maaga? Bubot pa lang ako; napakahirap palang maging bubot sa isang daigdig ng mga langaw at paniki.

Natapos na ang rosaryo. Habang palayo kaming naglalakad mula sa puntod mo, lumilingon ako. Lumapit sa amin ang mamang naglilinis ng puntod. Binigyan ko ng dalawang daang piso mula sa bulsa ni Tatay. Sa kalayuan, may mga batang nagpapalipad ng saranggola.

Hindi katulad ng araw na ito, limang taon na ang nakalipas, hindi umuulan; hindi rin mainit ang umaga.

Martes, ika-30 ng Marso 2004
05:27 n.u. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Si Bb. Princena at si Flor Contemplacion

Ang susunod na dalawang talata ay galing sa isang testimonial na isinulat ko para sa aking grade school alma mater.

Sakre: naging tahanan ko ito sa loob ng anim na taon. Maraming alaala akong nakalap sa institusyong ito, masama man o masaya. Naaalala ko ang cotton candy ni Manong sa covered walkway papuntang canteen, at ang mga nagpapahiram ng game and watch sa front gate. Isa rin ako sa mga masugid na manlalaro ng ping-pong kina Loquinario. Matapos ang isang araw ng pag-aaral (?) at pagbubulakbol (!), diretso agad kina JP para mag-Game Gear o mag-basketbol.

Matapos ang anim na taon sa grade school, lumipat ako sa isang public haiskul. Doon ko nalamang nakaka-miss rin pala ang Sakre, ang uwian araw-araw, ang mga tao. Ang paglalaro ng pingpong tuwing hapon. Ang mga patambay-tambay. Ang intrams at ang mga uniporme naming naka-silkscreen. Ang mga tsubibong ipinagbawal sa akin ni Erpats ngunit pangahas ko pa ring sinakyan. Kaya, kahit na sa Diliman na ako nakatira noon, dumadalaw ako tuwing Christmas party ng mga dati kong kaklase. "Dating KAKLASE," hindi "DATING KAIBIGAN." Dahil sa una't una pa lang, noong una kong pagtuntong noong Hulyo 1989, alam kong ito ang tipo ng lugar na binabalik-balikan.

At ang mga susunod naman ay wala na sa testimonial ko:

Noong isa sa mga huling araw ng Marso 1995, nakita naming malaki ang eyebags ni Bb. Princena, ang adviser ng Gr.6-A. Katulad namin, magdamag rin siyang nakatutok sa telebisyon. Hindi dahil sa maganda ang palabas, kundi dahil naka-iskedyul bitayin si Flor Contemplacion noong umagang iyon.

[SIDEBAR MUNA]

Kung hindi ninyo kilala si Bb. Princena, siya ang butihin naming titser simula pa noong Grade 5. Nalipat siya sa Grade 6 noong sumunod na taon. Guro namin siya sa P.E., Homeroom, Religion, at sa Science (o Social Science ba iyon?). Noong nalaman niyang balak kong mag-aral sa Philippine Science sa susunod na taon, pinaringgan niya ako habang nag-eeksamen kami sa Math noong Disyembre: "'Yung mga gustong mag-Philippine Science diyan, mag-aral na kayo!" Minumura ko na lang ang sarili ko noong araw na iyon, hindi lang dahil sa matinding init, kundi dahil mahirap talaga ang exam: decimals ba naman ang paksa! Kinabukasan, nag-first screening ako sa Pisay.

Tungkol sa Grade 6-A: isa ito sa mga pinakamagulong klaseng napasukan ko. Sila ang tipo ng klaseng galit sa mga "nerdo", ngunit mahilig sa mga sumasayaw (a la Streetboys) at mga kumakanta (a la Nirvana). Uso pa ang grunge at pagiging galit sa mundo noon. Dahil isa akong certified nerdo at isang gitarista, ambivalent ang tingin sa akin ng mga kaklase ko. Sa ibang salita, mahal ka nila minsan, at minsan naman'y madarama mong binabato ka ng kornik ng mga sigang nakaupo sa Row Four. Mabuti na lang at may mga kabarkada ako noon, ang Tropang Hilo. Noong haiskul ay kung saan-saan na kami nagsitungo: apat sa amin ang nanatili sa Sakre. Isa ang napunta sa San Carlos Seminary sa Makati. At isa naman ang napunta sa isang public high school sa Diliman.

Tungkol ka Flor COntemplacion: isa siyang DH sa Singapore. Nahatulan ng bitay dahil sa pagpatay sa alaga niya at sa kapwa niyang DH na si Delia Maga. Napatunayang nagkasala bagaman isa siyang kaliwete at halatang kananete ang nagbigti kay Maga. Sinubukang tulungan ng pamahalaan ng Pilipinas, ngunit noong paglilitis sa kanya, wala sa Singapore ang Embahador ng Pilipinas sa naturang bansa, kundi narito sa Maynila, dumalo sa paglunsad ng isa orchid show.

[TULOY SA KUWENTO]

Tapos na ang mga peryodikal exam namin noon, kaya wala kaming ginagawa sa mga umaga. Katulad nga ng sinabi ko, umiiyak si Bb. Princena. Ang titser naming ubod ng taray, umiiyak:

Basta, kahit ano'ng gawin ninyo, huwag na huwag kayong magpuputa!

"Puta?" tanong ko sa sarili. Lagi ko itong naririnig kay Erpat, lalo na tuwing nagkukuwentuhan sila ng mga bisita niya. Hindi ko alam ang kahulugan ng salita. Akala ko, "pusa" ang kahulugan niyon.

Wala kaming ibang magawa. Napailing si John Paul. Labas tayo, sabi ng mga mata niya. Napapaiyak na rin ang ilan sa mga babae namin, lalo na 'yung mga laging dumidikit sa mga siga ng Row Four. Noon ko lang nalamang kaya rin palang umiyak ng mga puta. Oo, puta ang tingin ko sa kanila noon dahil sa mga pang-aalipusta nila sa isang nerdong katulad ko. Mababa rin ang tingin ko sa mga siga ng Row Four. Malamng na kung may alam ako sa Marxismo noon, babansagan ko silang lumpenproletariat. At siyempre, hindi iyon maaabot ng kanilang pag-iisip.

Pero noong oras at araw na iyon, luhaan ang lahat sa silid-aralan. Kaya hindi nakapagtatakang noong pag-pose namin para sa pre-graduation class picture noong hapong iyon, tila nakasara ang mga mata ng kalahati ng klase.

Matapos ang ensayo para sa graduation, dumiretso kami kina John Paul. Huling laro ng Game Gear para sa Tropang Hilo, huling laro ng basketbol para sa mga lumpen kong kaklase. Sa unang pagkakataon, naabot ko ang board sa basketball court ng T.S. Cruz.

Iyon na rin yata ang huli kong dalaw kay Annalyn bago ako tumuntong sa kolehiyo. Minsan sa isang taon ko na lang siya muling nakita matapos ang Grade 6. Hindi ko alam kung kilala pa nila si Jose. Si Jose na nagdadabog sa klase, ang pinupulikat tuwing ipinapasok sa intrams, ang kinokopyahan ng mga assignment sa Science. Ngayon, isa na lamang akong bilang sa estadistika ng mga walang trabaho. Gagamitin ako sa pangangampanya ng iba't ibang pulitiko. Hindi ko pinangarap ito. Kung hindi lang sana nalaos ang grunge, malamang sikat na ako, ako at ang galit ko sa mundo.

Huwebes, ika-25 ng Marso 2004
06:53 n.u. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Ang "angst" ay hindi galit sa mundo.

Nauso ang salitang "angst" noong 1990's -- panahon ng Nirvana at ang pagpapatiwakal ni Kurt Cobain. Ang tunay na kahulugan nito, kung ita-translate sa di-malalim na Tagalog, ay "Pagka-aning." Sa maikling sabi, hindi talaga ito ang tipo ng galit na nakadirekta sa mundo, kundi sa sarili.

Bakit ko nga ba naisip ang salitang ito? Dahil siguro nag-update ako ng Friendster account ko kahapon. May isa akong kaklase sa grade school sa Sacre. Hindi siya gaanong kilala sa dunong noong magkaklase kami. Pero ngayon, estudyante na siya sa San Beda College of Law. Tiningnan ko ang sarili ko: oo nga't nag-Pisay ako, pero baka mag-repeat ulit ako ng isang subject. Anim na taon sa Ateneo. Hindi magandang kalakaran.

Kaninang madaling-araw, kausap ko si Erpat. Nakita niya kasi akong naggugupit ng mga classified ads sa diyaryo. Nakita niya ang isang ad, 'yung sa VSO, isang NGO; naghahanap sila ng project manager. Kursunada ko ang trabahong iyon dahil magagamit ko na nga ang MIS skills ko, at makakatulong pa ako sa pagpapaunlad ng kulturang Pinoy. Pero nakita ni Erpat ang classified ad; agad niyang pinuntirya ang linya ko. Kesyo wala raw stability, walang pera. Dagdag niya, kung sa NGO rin ako babagsak, hindi na lang dapat ako nag-aral.

Wala lang. Medyo nabubuwisit lang ako sa buhay. Kung bakit kasi hindi mo puwedeng gawin ang gusto mo.

Martes, ika-23 ng Marso 2004
05:37 n.u. noong huling na-dagitab si Jonar.
 
Oo, marunong na akong mag-archive ng mga entry.

Napansin ko na kasing masyado nang matagal ang pag-load ng unang edisyon ng Ligaw na Dagitab. Kaya naman ngayon, nag-archive ako ng mga entry. Mangyari lamang na i-click ang link sa ilalim ng masthead.

Naroon din ang pinakahuli kong entry bago ako nag-archive. Ngayon ko lang naisulat ang entry na "Anibersaryo ng kung anu-ano", pero dahil nagkamali ako sa pagpasok nito, sa archives siya napunta. Anyway, enjoy.

Miyerkules, ika-17 ng Marso 2004
02:46 n.h. noong huling na-dagitab si Jonar.